Gov. DoDo, Keynote Speaker sa 1st CALABARZON Regional Hospital Summit

Iskolar ng Kapitolyo noon, isa sa pinakabatang judge sa Bansa
August 16, 2019
Pagpapatupad ng Batangas Transport and Road Usage Code, tinalakay sa Kapitolyo
August 19, 2019

August 19, 2019

Call to Action for Hospital Development in the Attainment of Universal Health Care. Kaisa si Batangas Governor DoDo Mandanas sa paglagda sa “Pledge of Commitmment” sa layuning maitaguyod at mapanitili ang pinakamahusay na kasanayan, at maiangat ang kalidad sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan kaugnay sa pagsusulong at pagbibigay suporta sa Universal Health Care ng Pamahalaan. Ang tagpong ito ay bahagi ng isinagawang 1st Regional Hospital Summit ng Department of Health – Center for Health Development IV CALABARZON noong ika- 15 ng Agosto 2019 sa Crimson Hotel, Filinvest Alabang, Muntinlupa City. ✐Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: MaccVenn Ocampo – Batangas Capitol PIO

Dumalo at nakiisa si Batangas Governor DoDo Mandanas bilang Keynote Speaker sa ginanap na Regional Hospital Summit, ng Department of Health – Center for Health Development (CHD) IV CALABARZON na may layuning bigyang pansin ang panawagan na mapaunlad ang mga ospital at pagsuportahan sa Universal Health Care (UHC) ng pamahalaan.

Ang nasabing okasyon ay naganap noong ika-15 ng Agosto 2019 sa Crimson Hotel, Filinvest Alabang, Muntinlupa City.

Isa si Governor Mandanas sa tatlong gobernador na naimbitahan sa nasabing pagtitipon at tinalakay nito ang pagpapalakas ng hospital systems at services sa pamamagitan ng isang epektibong pamumuno.

Ibinahagi niya ang ilang mga katangian na dapat taglayin ng bawat chief of hospitals, na magbibigay-daan upang maitaguyod at mapanatili ang pinakamahusay na kasanayan sa pagsulong ng de-kalidad na serbiyong pangkalusugan.

Ilan sa mga ito ang honesty, competence o pagkakaroon ng sapat na kakayahan na makapaglingkod, openness, diligence, consistency, perseverance, at ang compassion sa bawat taong kanilang pinagsisilbihan.

Dagdag pa nito, dapat ay magkaroon din ng commitment sa paglalaan ng maayos na serbisyo lalo na sa mga mahihirap, sense of urgency, pagharap sa bawat pagsubok, at ang pagpapanitili ng kaugalian na unity o pagkakaisa ng bawat naghahatid ng healthcare services.

Samantala, binigyang-diin naman ng gobernador na katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa nasabing pagkilos upang maitaas pa ang antas ng kakayahan ng bawat isang kawaning naglilingkod, mapalawig ang ibinibigay na serbisyo, at makapaglaan ng karagdagan pang pondo.

Kabilang din si Governor Mandanas, kasama ang ilang mga opisyal ng CHD CALABARZON at kapwa lingkod bayan, sa paglagda sa Pledge of Commitment na sinundan ng ribbon cutting para sa mga tampok na exhibit sa nasabing pagpupulong.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.