Gov. DoDo Iprinoklama na Bilang Waging Gobernador ng Batangas Province

Proklamasyon ng mga Nanalo sa Halalan sa Batangas, Sinimulan Na
May 12, 2022
Invitation to Submit Quotation (Shopping)
May 17, 2022

May 12, 2022

Pormal nang idineklara ng Batangas Provincial Board of Canvassers bilang nagwaging kandidato sa pagka–Gobernador sa nakaraang May 9 National and Local Elections si Incumbent Batangas Governor DoDo Mandanas, nitong ika-11 ng Mayo 2022.

Ang proklamasyon ay sinaksihan ng mga supporters nito, kasama ang mga kapamilya at mga opisyal ng iba’t ibang departamento at kawanihan ng Pamahalaang Panlalawigan.

Nakakuha si Governor Mandanas ng mahigit sa 920,000 na boto, patunay sa tiwala at suporta ng nagkakaisang mga Batangueño para sa subok nang paglilingkod ng punong lalawigan. Sa muling pagkahalal, ito na ang ika-anim na termino niya bilang ama ng lalawigan, na nagsimula noong 1995-2004 at 2016, na magtatapos naman sa taong 2025.

Sa naging mensahe ni Governor DoDo Mandanas, ipinahayag nito ang tuloy-tuloy na pagtulong sa kapwa at ang pagpapataas pa ng antas ng pamumuhay ng mamamayang Batangueño. Binigyang-diin din ng gobernador na magpapatuloy ang pagsusulong niya ng isang tapat at mahusay na pamamahala.

Samantala, nauna nang iprinoklama si Vice Governor Mark Leviste, para sa kaniyang ikalawang termino sa nasabing posisyon, kabilang ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan mula sa anim na distrito ng probinsya, noong ika-10 ng Mayo.

Nang araw ding iyon naganap ang proklamasyon ni Senador Ralph Recto, bilang incoming congressman ng 6th District o Lungsod ng Lipa.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.