Gov. Dodo, Inimbita ng Senado para sa Pagdinig tungkol sa IRA

Graduation Ceremony ng Farmers’ Field School for Good Agricultural Practices ginanap sa Batangas Provincial Agri
August 9, 2018
Notice of Vacant Position
August 9, 2018

Enhancing IRA Share. Nagpapaliwanag si Batangas Governor Dodo Mandanas sa pagpupulong ng Technical Working Group ng Joint Committees on Local Government; Banks; Financial Institution and Currenciesl and Ways and Means ng Senado ng Pilipinas noong ika-6 ng Agosto 2018 sa Senate Bldg., Roxas Boulevard, Pasay City. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

August 9, 2018

Enhancing IRA Share. Nagpapaliwanag si Batangas Governor Dodo Mandanas sa pagpupulong ng Technical Working Group ng Joint Committees on Local Government; Banks; Financial Institution and Currenciesl and Ways and Means ng Senado ng Pilipinas noong ika-6 ng Agosto 2018 sa Senate Bldg., Roxas Boulevard, Pasay City. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Kabilang sa mga naimbitahang dumalo si Batangas Governor Dodo Mandanas sa pagpupulong ng Technical Working Group ng Joint Committees on Local Government; Banks; Financial Institution and Currenciesl and Ways and Means ng Senado ng Pilipinas noong ika-6 ng Agosto

2018 tungkol sa usaping “Enhancing the Share of LGUs in the Internal Revenue Allotment (IRA).
Kasama niyang dumalo sa pagdinig sina Dept. of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, Bureau of Treasury Director Dominic Mariano, Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña, at iba pang mga economic managers ng pamahalaang nasyunal.

Nakiisa rin ang mga opisyal at kinatawan ng mga iba’t ibang liga ng mga local government units sa bansa.

Sa desisyong inilabas noong ika-3 ng Hulyo 2018, inayunan ng Supreme Court ng bansa ang petisyong iniakda ni Gov. Mandanas na ang IRA ng mga LGUs, ayon sa 1987 Constitution, ay dapat nanggagaling sa lahat ng national taxes at hindi lamang mula sa National Internal Revenue taxes na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ikinatuwa ang desisyon ng mga LGUs sa buong bansa na makikinabang sa mas malaking IRA share para sa mga proyektong kinakailangan sa mga komunidad. Naglabas naman ng agam-agam ang mga economic managers sa maaaring maging epekto nito sa national economy.

Tinalakay rin ang ilang mga Senate Bills na nakatakdang ihain nina Sen. Ralph Recto, Sen. Koko Pimentel, at Sen. Sonny Angara na nakatuon sa pagsasabatas ng pagpapalaki ng IRA ng mga LGUs. Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.