Gov. DoDo: “Gagamitin ang kapangyarihan para masugpo ang droga, krimen sa lalawigan”

Notice of Vacant Position
May 3, 2019
Pagsasanay sa Manicure, Pedicure, Hand at Foot Spa ng Kapitolyo, patuloy na isinasagawa
May 7, 2019

May 6, 2019

Kinilala ni Batangas Governor DoDo I. Mandanas ang kamakailang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Lalawigan ng Batangas ay kabilang sa mga lugar sa bansa na naka-Red Flag dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Ang pahayag ng gobernador ay naganap sa Lingguhang Pagpupugay sa Watawat ng Pilipinas ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan noong Mayo 6, 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Binigyang-diin ni Gov. Mandanas na “gagamitin niya ang kapangyarihan at kakayahan upang sugpuin at labanan ang pagkalat ng iligal na droga at loose firearms sa lalawigan.” Nabanggit din niya na, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Batangas Province, dalawa o tatlo ang napapatay sa lalawigan araw-araw, kaya naman mas paiigtingin ng pamahalaang panlalawigan ang paglaban sa droga, sang-ayon sa batas.

Magkakaroon ang Batangas PNP ng intensive mobile check points sa lalawigan, katulong ang Provincial Public Order and Safety Services Department (PPOSD), na may nakalaang P 6M kada-taon para sa Anti-Drugs Program.

Kabilang sa Drug Abuse Prevention Program ng pamahalaan, sa pamamagitan ng Batangas Provincial Anti-Drug Abuse Council Plan of Action for C.Y. 2018-2021, ang pagbibigay ng organizational/institutional development training, technical support equipage city and municipal anti drug abuse council, collaboration and coordination with various government agencies, at capability building developments.

Samantala, magkakaroon din ng training program ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinamagatang “Life Skills and Leadership Training/ Disaster Preparedness for Drug Surrenderees” na nakatakdang gawin sa huling linggo ng Hunyo 2019. Bryan Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.