Gov. Dodo, Bisita sa Induction ng IBP Batangas

Invitation to Bid
July 27, 2017
Invitation to Bid – PHO
July 31, 2017

July 31, 2017

Isang pagkilala ang iginawad kay Gov. Dodo Mandanas para sa kanyang kagandahang loob at pagsuporta sa mga adbokasiya at mga programa ng Integrated Bar of the Philippines – Batangas sa ginanap na 23rd Induction of Officers (2017-2019), Honoring Distinguished Member Lawyers and Pinning of New Chapter Members ng IBP noong ika-28 ng Hulyo 2017 sa Batangas City Convention Center.

Binigyang pugay niya ang bawat isang abogado na kasama ang kanilang pamilya sapagkat isa ang pagtitipong ito na dapat kasamang ipinagpupunyagi ng pamilya. Dagdag pa nito, nawa’y ipagpatuloy pa ng IBP ang pagtulong sa ating mga kapwa Batangueñong walang kakayahang kumuha ng pribadong abogado para maipagtanggol ang sarili.

Samantala, naging mas makabuluhan ang nasabing pagtitipon sa pagdalo ni Department of Justice Under Secretary Erickson H. Balmes na tubong Batangas City, bilang guest speaker na nag-iwan ng mga inspirasyon para sa kanyang bagong Compañero’t Compañera sa bagong antas ng kanilang buhay. Binigyang diin din niya na ang katagang Attorney sa kanilang pangalan ay may kaakibat na respeto at dapat manatili ito habang naglilingkod sa kapwa. Jhay Jhay Pascua – PIO Capitol Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.