Gov. Dodo, Archbishop Garcera: naparito upang maglingkod, ‘di upang paglingkuran

Batangas First Level Court Judges
April 19, 2017
Rear Admiral Rodelas, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
April 24, 2017

Pastol ng mga Batangueño. Buong galang na humalik sa kamay ni Most Rev. Archbishop Gilbert Garcera si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa installation ng bagong pinuno ng Archdiocese of Lipa sa San Sebastian Cathedral, Lipa City noong April 21, 2017 (kaliwa). Iniabot din (itaas) ni Gov. Mandanas ang symbolic Key to the Province of Batangas kay Archbishop Garcera, na ini-appoint ni Pope Francis kapalit ng nagretiro nang si Arch. Ramon Arguelles. Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

April 21, 2017

Kabilang sa mga dumalo sa installation at canonical possession ni Archbishop Gilbert Armea Garcera bilang bagong Archbishop ng Archdiocese ng Lipa noong ika-21 ng Abril 2017 si Batangas Gov. Dodo Mandanas upang personal na maging saksi at iparating ang buong pusong pagtanggap ng mga Batangueño.

“Ang Lalawigan ng Batangas ay taos-pusong nagpapasalamat sa Panginoon sa inyong pagtanggap sa katungkulan bilang Ama at Archbishop ng Lipa,” pahayag ni Gov. Mandanas, pagkatapos ng banal na misang ginanap sa San Sebastian Cathedral sa Lungsod ng Lipa.

Binigyang-diin din ng Batangas governor, na deboto ng Mahal na Inang Maria, “Bilang ama din po ng Lalawigan ng Batangas, tayo ay naglilingkod ayon sa diwa ng nabanggit ni San Pablo na ‘naparito ako upang maglingkod, hindi upang paglingkuran’.”

Patunay dito ang ibinahaging kuwento ni Archbishop Garcera na nagpanggap siyang magsasaka at bumisita sa mga simbahan sa Batangas, dalawang buwan na ang nakalipas, na hindi nalaman ng mga kura paroko, upang personal niyang masaksihan kung paano pakitunguhan ng mga taong simbahan ang mga karaniwang tao.

Kagaya ni Gov. Mandanas na personal at tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga kababayan, nais din ni Archbishop Garcera na maabot at mapuntahan maging ang mga parokya na hindi dati naaabot ng mga Obispo, tulad ng mga simbahan sa Isla Verde at Lobo, upang mas maiparamdam sa tao na sila ay kabilang sa simbahan.

Sa kanyang mensahe para sa bagong Arsobispo ng Lipa, na dating naka – talaga sa Diocese of Daet, Camarines Norte, sinabi ni Gov. Mandanas na kapwa sila pastol ng mga Batangueño na mananalangin at magsisikap na patuloy na makatulong at makagawa ng mabuti sa kapwa.

Bago magsimula ang installation, iniabot ni Gov. Mandanas kay Archbishop Garcera ang symbolic Key to Batangas Province, kung saan maglilingkod siya matapos mahirang ni Pope Francis na kapalit ng nagretiro nang si Archbishop Ramon Arguelles. Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.