Gng. Florita “Flor” Lachica, Hinirang na 2022 Outstanding Social Worker of the Philippines

Smoke Free Task Force Tinalakay ang Implementasyon ng “No Smoking and Vaping Ordinance” sa Batangas Province
October 20, 2022
SUPPLEMENTAL/BID BULLETIN (November 3 & 4)
October 24, 2022

October 21, 2022

Hinirang bilang 2022 Outstanding Social Worker of the Philippines in the field of Local Government ng Philippine Association of Social Workers Inc. (PASWI) si Batangas Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Assistant Department Head Florita “Flor” Lachica sa idinaos na PASWI General Assembly noong ika-18 ng Oktubre 2022.

Bilang isang National Professional Organization, binibigyang-pagkilala ng PASWI ang mga natatanging social workers ng bansa, na may bukod tanging kontribusyon sa pagbibigay tulong, serbisyo at pagpapaunlad ng kumunidad at lipunan.

Taong 1998 nang magsimulang maglingkod sa PSWDO si Gng. Lachica, o kilala sa tawag na “Ma’am Flor.” Pinagtuunan nito ng pansin ang mga programang pangkagalingang panlipunan ng lalawigan, kung saan nakatutok ang atensyon nito sa kakulangan ng datos sa kahirapan ng ahensya.

Sa kanyang panunungkulan, sinikap nito ang pagbuo ng provincial poverty data, na siyang pinagbabatayan hanggang sa ngayon ng mga kinakailangang tulong na ipinaabot sa mayorya ng nasa poverty line sa Batangas.

Sa pagkalap ng mga datos, na kabahagi ang mga pigura sa isinagawang Community-Based Monitoring System (CBMS), natukoy ng sistema ang mga numero ng mga kakababayang naninirahan sa mga pansamantalang tahanan, daan upang ito ang pagbatayan sa pagbuo ng Balay project na nagkamit ng parangal sa isinagawang 4th CBMS Special Awards For Local Government Units at Best LGU Community Development Program noong taong 2006.

Ilan pa sa mga naging kontribusyon ni “Ma’am Flor” ang pagpapatibay ng programa ng Gender and Development, kung saan kauna-unahan ang Batangas sa pagpapatibay ng Gender Development Code noong 2012; at pagbuo ng mga samahan na makakapagpabuti sa pamilya, tulad ng Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities (ERPAT) sa lalawigan, na naging kauna-unahan din sa CALABARZON Region.

Hindi rin nawala sa listahan ng ginang ang mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFW), kaya sa tulong ng ATIKHA, na isang international NGO, nabigyan siya ng pagkakataong pangunahan ang institutionalization ng migration programs sa probinsya.

Sa pangangasiwa ng PSWDO, naisagawa ang mga seminar-workshops na humihikayat sa mga lungsod at munisipalidad sa paglalaan ng migration desk para sa kanilang migration program initiatives na umani ng Exemplary Service of LGU for Returning OFWs mula sa DSWD CALABARZON.

Bilang pagbubuod, isinalaysay ni Ginang Lachica na ang mga proyekto gaya ng BALAY, Migration at ERPAT, gayundin ang kaniyang pagkakaugnay sa iba’t ibang organisasyon, ang mga testamento ng kaniyang kredibilidad at lakas ng loob, na natutunan niya habang naglilingkod sa mga kababayan, at magsisilbing paalala ng kaniyang legasiya bilang isang dedikadong Social Worker na may dugong magiting.

Ornald Tabares, Jr/Photos: Francis Milla, Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.