Ginoong CALABARZON 2018 2nd Runner Up, Binigyang Pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Batangueño Math Wizards, Binigyang Parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
August 16, 2018
Gov. Dodo, Naging IRA Resource Person ng mga LGU Councils
August 16, 2018

August 16, 2018

Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, si Ginoong CALABARZON 2018 2nd Runner Up Christian John “CeeJay” C. Laqui sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-13 ng Agosto 2018.

Ang Batangueñong si Ceejay, na tubong Mataas na Kahoy, ay itinanghal na 3rd placer sa nasabing patimpalak na ginanap sa Colegio de San Juan de Letran-Calamba, Calamba City kamakailan at nag-uwi rin ng Online Voting Award sa nasabing contest.

Si Ceejay ay kasalukuyang nag-aaral sa De La Salle Lipa ng BS Computer Engineering. Aktibo ito sa klase maging extra-curricular activities kagaya ng pagsasayaw at paglalaro ng basketball at volleyball. Si Ceejay, na labing walong taong gulang, ay nanalo na sa mga local pageants kagaya ng 2015 RUNCAV Grand winner at 2018 Ginoong Mataas na Kahoy 1st runner up. – JHAY ¬JHAY B. PASCUA – PIO CAPITOL

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.