Forest at Fruit-bearing Tree Seedlings, Ipinamahagi sa mga Bayan ng Batangas Province

Pagsirit ng Kaso ng COVID-19, Patuloy na Pinaghahandaan ng Kapitolyo
March 30, 2021
Gov. DoDo, Keynote Speaker sa Liveable Cities Local Lab
March 31, 2021

March 31, 2021

Ipinamahagi kamakailan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), ang may kabuuang 24,296 forest and fruit-bearing seedlings sa mga bayan ng San Juan, Balayan, Alitagtag, Taal, Tuy, Tingloy, Rosario, Laurel, Lian, Taysan, San Jose, Calatagan, Nasugbu, Sta. Teresita, Bauan, Lemery, at Tanauan City.

Ang mga nasabing seedlings o punla ay ipinamahagi naman ng mga pamahalaang lokal ng mga nasabing bayan sa kani-kanilang mga barangay upang pamahalaan ang pagtatanim ng mga ito sa mga tabing-daan, mga bakanteng lote, mga bakuran, at sa mga lugar na malapit sa paaralan, barangay hall, sanitary landfill at closed dumpsites, at iba pang lugar na maaaring pagtaniman kagaya ng mga bundok at burol.

Sila rin ang nag-aalaga sa mga itanim na seedlings para matiyak na ang mga ito ay mabubuhay at lalaki.

Sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas, tuloy-tuloy ang ibat-ibang inisyatibo ng PG-ENRO upang mapanatili ang isang maayos, malinis at luntiang kapaligiran sa buong lalawigan.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng tanggapan sa pampubliko at pribadong sektor para sa mga kapakipakinabang na gawain, kabilang ang isinagawang proyekto, na naisakatuparan katuwang ang JG Summit Petrochemicals Group, Republic Cement & Building Materials, Inc., First Gen Corporation at Malampaya Foundation Inc., Samahan ng Motorcycle Riders Against Crime (MCRAC), at tanggapan ni 5th District Board Member Bart Blanco.

PG-ENRO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
21

Comments are closed.