Food Security at Sustainability sa Gitna ng COVID-19 Crisis, Tinitiyak ng OPAg

Disinfection sa mga Public Markets sa Lalawigan ng Batangas, Tuloy-tuloy na Isinasagawa
May 5, 2020
Kauna-unahang Specially Designed Quarantine Facility for Inmates, Bubuksan na sa Batangas
May 6, 2020

May 6, 2020

Lalawigan ng Batangas, Kaisa sa “Plant, Plant, Plant Program” ng DA

Isa ang sektor ng agrikultura sa binibigyang-pansin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa gitna ng pagharap sa kasalukuyang nararanasang krisis pangkalusugan na Coronavirus Disease o COVID-19. Ito, sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), ay bilang pagtiyak na mapapanatili ang food security at sufficiency sa probinsya.

Kaugnay nito, sa naging panayam kay Provincial Agriculaturist, Engr. Pablito Balantac, patuloy aniya ang kanilang tanggapan sa pagganap sa mga tungkulin upang mapagsilbihan ang bawat isang magsasaka, mangingisda, at maging ang mga consumer sa lalawigan.

Dagdag pa nito, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture (DA) Region IV-A, ang Batangas ay isa sa mga nabibigyan ng alokasyon ng mga binhi ng assorted vegetables upang mapakinabangan sa implementasyon ng backyard at urban gardening.

Buong pagmamalaki ring ibinahagi ni Engr. Balantac na kaisa ang lalawigan sa ‘Ahon Lahat, Pagkaing Sapat (ALPAS) Laban sa Covid-19’ o mas kilala bilang ‘Plant, Plant, Plant Program’ ng DA. Ang proyektong ito ng pamahalaang nasyunal, sa linya ng agrikultura, ay nakatuon sa production, availability, accessibility, and affordability ng pagkain sa bansa, sa harap ng pandemya at kahit na matapos ito.

Dahil dito, may mahigit 60 na ektaryang lupain, simula pa noong maipatupad ang pagpapa-iral ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon, ang natulungan na ng OPAg para maihanda at mataniman ng iba’t-ibang klaseng mga gulay gaya na lamang ng mais.

Sa ngayon naman sa tagubilin ni DA Secretary William Dar at mula na rin sa inisyatibo ni Governor DoDo Mandanas na hindi dapat matigil ang flow of commodity sa lalawigan, tinitiyak ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ang pagkakaroon ng maayos na pagbibigay ng Food Passes sa mga magsasaka na nagdadala ng suplay sa mga pamilihan at mga agricultural commodity traders sa iba’t-ibang bayan at lungsod ng Batangas.

Bukod sa pagtugon ng tanggapan sa emergency situation na hatid ng COVID-19, tuloy-tuloy rin ang tanggapan sa pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng pagsabog ng Bulking Taal.

Sa katunayan, nagsasagawa ang OPAg ng ilang mga proyektong pang-agrikultura para sa mga evacuees, tulad ng pamamahagi ng mga vegetable seeds, ang matagumpay na container at urban gardening project na ngayon ay pinakikinabangan na para sa suplay ng gulay, at ang paghiram ng tanggapan ng may hindi bababa sa 1 ektaryang lupain. Ito, ayon kay Engr. Balantac, ay halos katabi lamang ng Talaibon Resettlement Area at naisailalim na sa land preparation.

Sa huling bahagi ng panayam, ipinabatid ni Engr. Balantac na handa at bukas ang kanilang tanggapan upang maglingkod sa lahat ng mga Batangueño farmers, fishers, at consumers.

Sa mga kahilingan aniya para sa land preparation, bagaman tatlo lamang ang traktora ng OPAg, hindi umano ito magiging dahilan para matigil ang paghahatid ng kanilang tungkulin sapagkat ikinagagalak niya na marami umano ang gustong magtanim at handang magpahiram ng mga lupain o hindi naman kaya ay i-convert bilang lupaing agrikultural para sa layunin ng food security at sustainability sa lalawigan.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.