First at Second Quarter Honorarium para sa mga Barangay Tanod, ipinamahagi

African Swine Fever, banta sa Batangas swine industry pero hindi human health threat
July 22, 2019
Panata ng tagapagtaguyod ng karapatan at pribilehiyo ng mga may kapansanan, binigkas sa Kapitolyo bilang pakikiisa National Disability Prevention and Rehabilitation Week
July 22, 2019

July 22, 2019

1,080 na mga Barangay Tanod sa buong Lalawigan ng Batangas ang nakatanggap ng kanilang First at Second Quarter Honorarium para sa taong 2019 mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Isinagawa ang pamamahagi noong ika-8 hangang ika-22 ng Hulyo 2019, sa pangunguna ng Provincial Public Order and Safety Department (PPOSD).

Ang mga barangay volunteer ay binibigyan ng ayuda ng pamahalaang panlalawigan, sa direktiba ni Gov. DoDo Mandanas, bilang tulong at pasasalamat para sa kanilang tuloy-tuloy na kusang paglilingkod sa mga komunidad.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng PPOSD, sa pangunguna ni Atty. Genaro S. Cabral, sa mga samahan ng mga Barangay Tanod sa buong lalawigan upang mas mapagbubuti ang serbisyo na may kinalaman sa peace and order ng bawat barangay. – Shelly Umali, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.