Financial Assistance ng Batangas Capitol sa Repatriated/Distressed OFWs, Tuloy-tuloy

P4.5M Cash Assistance, Ipinamahagi ng DOLE, Kapitolyo para sa mga TUPAD Beneficiaries
January 30, 2021
Notice of Vacant Positions
February 1, 2021

January 30, 2021

Muling namahagi ng ayudang pinansiyal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga nawalan ng trabaho, pinauwi at hindi pa makaalis na mga Batangueño Overseas Filipino Workers (OFWs) noong ika-28 ng Enero 2020, na ginanap sa DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Ang naturang financial distribution ay sa pamamagitan ng programang Assistance to Repatriated/Distressed OFWs na patuloy na isinasagawa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

105 na mga indibidwal ang naabutan ng ayudang pinansyal, kung saan sila ay tumanggap ng halagang ₱5,000.

Ang proyektong ito ay tulong para sa mga Batangueño OFWs na nawalan ng trabaho o hindi pa agad makaalis ng bansa papunta sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan, dulot ng COVID-19 restrictions. Sa kasalukuyan, tuloy pa rin ang pagtanggap ng mga aplikante PSWDO para sa nasabing tulong.

Ilan sa mga requirements ay ang termination letter due to COVID-19, proof of loss of employment due to COVID-19, Passport with picture and the Arrival and Departure Stamp, at Active Contract or Employment offer.

Para sa mga nais magpasa ng aplikasyon at may mga katanungan tungkol sa ayuda, maaaring makipag-ugnayan sa PSWDO, sa pamamagitan ng kanilang Facebook page na “@PSWDOBATS”, mag walk-in sa kanilang opisina sa PSWDO Bldg., Capitol Compound, Batangas City, o tumawag sa numerong (043) 723 4024.

BM / Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.