Filing ng COC para sa 2019 Elections, Nagsimula Na

Poster Making Contest Hatid ng Batangas Blood Council, Tagumpay
October 10, 2018
5th Cycle of Closed Season Fishing, Pinagpulungan
October 11, 2018

Filing of COC for 2019 Midterm Elections. Pormal nang naghain ng kani-kanilang kandidatura ang mga nagnanais na tumakbo para sa elekyon na gaganapin sa taong 2019. Makikita sa larawan sina Governor Dodo Mandanas, Lipa City Representative Vilma Santos-Recto, Former Board Member Rudy Balba and Tanauan City, Batangas Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor (Taas na bahagi, mula kaliwa hanggang kanan); 3rd District Representative Ma. Theresa V. Collantes, Former Board Member Consuelo Malabanan, Incumbent Laurel, Batangas Mayor Randy James Amo at 1st District Representative Elenita R. Ermita-Buhain (Ibabang bahagi, mula kaliwa hanggang kanan). ✐Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: Armando De Chavez – Batangas Capitol PIO

Opisyal nang nagsimula ang limang araw na paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga tatakbo sa 2019 midterm elections.

Kaugnay nito, sa unang araw ng filing, ika- 11 ng Oktubre 2018 sa COMELEC Batangas Provincial Office, kauna-unahang nagsumite ng kanyang COC ang kasalukuyang punong lalawigan na si Governor Dodo Mandanas ganap na alas-otso ng umaga, para sa kanyang pagnanais na muling mahalal sa ikalawang termino. Kasama ni Gov. Mandanas ang kanyang mga supporters na mga naka kulay pulang mga kasuotan.

Sumunod sa nag-file ang kapwa incumbent na mga mambabatas na sina Congresswoman Ma. Theresa V. Collantes ng 3rd District at Congresswoman Elenita R. Ermita-Buhain ng 1st District para muling tumakbo bilang representative sa Kongreso ng kanilang kinabibilangang distrito.

Sinundan ito ni Consuelo Malabanan na kakandidato upang magiging kinatawan ng unang distrito bilang Board Member.

Naging bahagi rin ng unang araw ng filing si Lipa City Representative Vilma Santos-Recto para sa kanyang re-election bid o ikalawang termino sa kongreso. Sinamahan ito ng kanyang asawa na si Senator Ralph Recto, mga ilang lokal na opisyal at mga taga-suporta.

Magkakasunod namang naghain ng kani-kanilang COC sina Laurel Mayor Randy James Amo, dating bokal Rudy Balba at incumbent Mayor ng Tanauan City na si Atty. Jhoanna Corona-Villamor na pawang mga tatakbo upang maging representative ng 3rd District sa Sangguniang Panlalawigan bilang Board Member.

Samantala, naging matiwasay at matagumpay ang unang araw ng filing ng Certificate of Candidacy sa COMELEC Batangas Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Election Supervisor Atty. Erlinda Candy T. Orense dahil sa mas pinaigting na seguridad at maayos na pamamahala.

Tatagal ang paghahain ng COC hanggang Miyerkules, Oktubre 17, alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, bagamat hindi tatanggap ng COC ang COMELEC sa Oktubre 13 at 14, araw ng Sabado at Linggo.
✐Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.