Farmers Information and Technology Services Center Binuksan sa Batangas

San Pascual Agri-Trade Fair
August 5, 2016
Anti-Drug Program ni Gov. Mandanas sa Batangas kinilala ng PNP
August 25, 2016

Palalakasin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kamalayan sa teknolohiya at impormasyon ng  mga magsasaka nito matapos pasinayaan ang Farmers Information And Technology Services (FITS) Center  noong ika- 4 ng Agosto 2016.

Personal na dumalo sa pagtitipon si Batangas Governor Hermilando Mandanas kasama sina Agricultural Training Institute IV-A Director Marites Piamonte-Cosico, Provincial Agriculturist Pablito Balantac, mga miyembro ng Agricultural Sector ng lalawigan na pinangungunahan ng mga Municipal Agriculturist.

Ipinabot ni Governor Mandanas ang kanyang mensahe sa mga kasapi ng sektor ng agrikultura na tumutukoy sa pagpapalaganap ng mga programang agrikultural gamit ang makabagong impormasyon, kaaalaman at teknolohiya upang makasabay ito sa kalidad ng produktong inilalako sa mga high value markets.

Sa tulong ng FITS Center, magkakaroon ng source of information patungkol sa modern agriculture ang mga magsasaka sa pamamagitan ng farm based research and information and education materials na puwede nilang makuha sa dito.

Sasailalim sa modern faming seminars ang mga magsasaka at mga municipal agriculturist na magiging resulta ng pakikipagugnayan ng Office of the Provincial Agriculturist at Agricultural  Training Institute at Batangas State University sa pagpapatupad ng Techno Gabay Program.

Ang mga kakayahan makukuha nila dito ay maaari nilang muling ituro sa kanilang mga nasasakupan at iba pang mga kliyente na may kaugnayan sa pagsasaka.

Binigyang diin ni Governor Mandanas na layunin ng kanyang panunungkulan sa Lalawigan ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng pagsasaka sa lalawigan.

Sa pagkakaroon ng mga modernong kaalaman sa agrikultura,  tataas ang kalidad ng mga produkto mula Batangas kasabay ng pagkakaroon ng post harvest facilities na isinusulong ng administrasyong Mandanas.

At dahil dito, inaasahan na magkakaroon ng marami at magandang kalidad  na mga produktong pwedeng ilako sa mga modernong pamilihan sa buong bansa.

Bukod sa mga magsasaka, hangad ding tulungan ng FITS center ang mga nasa sektor ng pangisdaan at ibang mga indibidwal o mga samahang pribado o publiko na magkaroon ng kaalaman sa mga nakalatag na programa para magkakasama nilang itaguyod ang isang modernong sektor ng agrikultura. / Edwin V. Zabarte-BatangasPIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Leave a Reply