Executive Planning ng mga Opisyal ng Batangas Provincial Government Isinagawa

Cong. Nograles ng Davao City, Bumisita sa Lalawigan ng Batangas
March 5, 2018
Batangas Province, SGLG Post Conferment Qualifier Awardee
March 6, 2018

Planning for a Rich Batangas. Pinangunahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang mga talakayan sa Executive Planning Session ng mga department heads ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kasama ang ilan sa mga malalaking investors at corporate partners, sa Dhusit Thani Manila sa Makati City noong Pebrero 27 hanggang Marso 1, 2018. Jenny Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Upang makabalangkas ng konkretong mga hakbang para sa mas epektibong pagbibigay ng serbisyo publiko, isinagawa ang Executive Planning Session ng mga department heads ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kasama ang ilan sa mga malalaking investors at corporate partners, sa Dhusit Thani Manila sa Makati City noong Pebrero 27 hanggang Marso 1, 2018.

Personal na pinangunahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang lahat ng mga talakayan, kung saan pinag-usapan ang annual budget, budget performance ng mga nakaraang taon, project proposal at mga rekomendasyon ng Commission on Audit para sa mas malinaw at transparent na paggugol ng pondo ng pamahalaan.

Nakipagpulong din ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa ilang mga multi-national companies na may mga investments sa lalawigan, tulad ng Malampaya Shell, Atlantic, Gulf and Pacific Company of Manila, Inc. (AG&P), First Gen at Asian Terminals, Inc (ATI).  Dito ipinakita ng mga nasabing kumpanya ang kanilang mga programa at plano sa kanilang operasyon sa Batangas Province, na nagbubukas ng trabaho para sa mga Batangueño, tulad ng 2 bilyong pisong expansion project ng ATI sa Batangas International Port sa Lungsod ng Batangas.   Jenny Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.