Evacuees mula Agoncillo, Nagpositbo sa COVID-19

DSWD, Batangas Capitol Nagkasundo para sa Pagtatayo ng Regional Warehouse
July 12, 2021
Request for Quotation – PURCHASE OF VARIOUS CONSTRUCTION SUPPLIES (CIRCULAR SAW BLADE, CW NAIL (ASSORTED, ETC.) FOR USE IN THE CONSTRUCTION OF 200 UNITS OF BEDS FOR DISTRIBUTION TO DIFFERENT QUARANTINE/ISOLATION FACILITIES IN THE PROVINCE OF BATANGAS
July 14, 2021

July 13, 2021

Batangas PHO, Mabilisang Nakipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan

Sa pakikipag-ugnayan ng Provincial Health Office (PHO) sa Pamahalaang Bayan ng Agoncillo, tungkol sa mga napaulat na nag-positibong evacuees, tiniyak ng Pamahalaang Panalalawigan ng Batangas, alinsunod sa tagubilin ni Governor DoDo Mandanas, na nakaalalay ito sa pagtugon sa mga pangangailangan at hakbanging medikal para sa mga ito.

Isang buntis na evacuee ang unang confirmed COVID-19 case na napaulat sa PHO, batay sa inilabas na Event-based Surveillance and Response report ng Balayan Rural Health Unit.

Dahil sa kabuwanan na, isa sa mga kinakailangan ang pagsailalim sa RT-PCR testing bago ito ma-admit sa isang health facility. Makalipas ang ilang araw pagkatapos magpa-COVID-19 test, lumabas sa resulta na nagpositibo nga ito dahilan upang agarang isagawa ang isolation protocols sa naturang pasyente at preventive measures upang mapigilan ang pagkalat ng sakit sa evacuation area.

Ayon sa naging panayam ng Provincial Information Office sa PHO, kasalukuyan na itong nailipat sa San Juan District Hospital para ma-isolate. Isinagawa naman agad ngayong araw, ika-13 ng Hulyo, ang antigen testing sa naiulat na 12 close contacts o nakasalamuha ng nag-positibong kaso.

Samantala, ayon pa rin sa tanggapan, isang senior citizen naman ang ikalawang naitalang kumpirmadong kaso na nakaranas ng mga sintomas ng COVID-19, isang linggo makaraang tumanggap ito ng unang dose ng bakuna kontra sa nasabing virus.

Mabilis din naman ang isinagawang paglipat o pag-isolate sa naturang positive patient.

Dahil sa naitalang positibong kaso sa evacuation center, tututukan ng PHO ang pagsasagwa ng malawakang antigen testing sa lahat ng pansamatalang tinutuluyan ng mga naapektuhan ng muling pagtaas ng aktibidad ng Bulkang Taal.

Magsisimula ang tanggapan sa bayan ng Agoncillo na naka-iskedyul na sa araw ng Huwebes, ika-15 ng Hulyo. Hinihintay na lamang ng PHO ang masterlist ng bawat evacuation center.

Isa sa mga hamon sa muling pagligalig ng bulkan, na nagsimula noong ika-1 ng Hulyo, ay ang pagpapanatili ng physical distancing sa mga evacuation centers kung kaya naman tuloy-tuloy na tinututukan ng PHO ang pagbabakuna sa mga evacuees.

Bukod dito, sa idinaos na Provincial Inter-Agency Task Force at Provincial Health Board joint meeting noong ika-12 ng Hulyo, tatargetin na rin ng pamahalaang panlalawigan ang pagpapalawig ng vaccination efforts nito nang sa gayon ay hindi lamang mga evacuees ang protektado sa COVID-19, kung hindi pati na rin ang mga pamilya o kamag-anak na pupuntahan ng mga ito na, ayon kay Governor Mandanas, ay hindi lamang nakatuon sa isang lugar ngunit sa iba’t-ibang bahagi ng probinsya gayundin sa karatig lalawigan nito.

Matatandaan na binigyang-prayoridad na rin ng Kapitolyo, bukod pa sa sinusunod na priority groups, ang pagbabakuna sa mga uniformed personnel at iba pang first responders na nangunguna sa mga isinasagawang response and relief efforts sa harap ng bagong banta ng Bulkang Taal.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.