Estado ng Kampanya Laban sa COVID-19, Iniulat ng Batangas PHO

151 Blood Units Nakolekta sa Blood Drive sa Bayan ng Mabini
October 1, 2021
Notice of Vacant Positions
October 1, 2021

October 1, 2021

Sa ulat ni Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, sa joint meeting ng Batangas Inter-Agency Task Force Against COVID-19 at Provincial Health Board noong ika-27 ng Setyembre 2021, ibinahagi nito na umabot na sa 25.28% o 550,004 na mga indibidwal ang nakatanggap ng 2nd dose ng bakuno o mga fully-vaccinated na, samantalang 31.35% o 682,069 ang naturukan ng unang dose, sa target na 70% ng populasyon ng Lalawigan ng Batangas.

Inilahad din ng department head ng Batangas PHO ang naging malaking papel ng One Hospital Command sa mga Batangueno patients sa paghahanap ng mapagdadalhang ospital sa panahong ito.

Ang mga bakunang natanggap ng Batangas Province, ayon kay Dr. Ozaeta, ay binubuo ng 588,903 doses ng Sinovac, 168,468 doses ng Aztrazeneca, 74,100 doses ng Pfizer, 70,308 doses ng Moderna, 64, 205 doses ng Jansenn, 40,000 doses ng Sinopharm, at 4,350 doses ng Gamaleya Sputnik V.

Nakapagtala naman ang Batangas One Hospital Command, sa loob ng isang lingo, ng 91 hospital referrals, 2 reported calls para sa pagdadala sa mga isolation facility, 2 reported calls para sa mga dialysis patients na nagpositibo sa COVID-19, at 13 na reported calls para sa mga buntis, kung saan 8 sa mga ito ay COVID-19positive, at 38 calls para sa telemedicine.

Nagpasasalamat si Governor DoDo Mandanas sa mga bumubuo ng Provincial Health Office sa kanilang tuloy-tuloy na serbisyo sa mga Batangueño , kabilang ang paghihikayat sa mga Batangueño na makipag-ugnayan sa kanilang mga barangay health workers para sa agarang pagpapabakuna.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.