Estado ng Hanapbuhay: Ika’y Magtanim / Mangisda Program, Tinalakay sa Online Agri Meet

PNP Chief Eleazar Nakipagtalakayan sa mga Opisyal ng Batangas LGUs
September 18, 2021
Executive Legislative Agenda Meeting, Isinagawa Online ng Batangas Capitol
September 18, 2021

September 18, 2021

Tinipon online ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ang mga city at municipal agriculturists ng bawat bayan at lungsod ng Lalawigan ng Batangas upang alamin ang estado ng mga proyekto sa ilalim ng Hanapbuhay: Ika’y Magtanim / Mangisda Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-7 ng Setyembre 2021.

Pinangunahan ang pagpupulong ni Provincial Agriculturist, Dr. Rodrigo M. Bautista, Jr., na binigyang-diin ang kahalagahan ng implementasyon ng agricultural and biosystems engineering groups upang maisulong ang modernong pagsasaka sa tulong ng mga makabagong makinarya. Inilahad din ni Dr. Bautista ang mga proyektong ipatutupad ng OPAg para sa taong 2022.

Dumalo rin sa nasabing virtual meeting si Governor DoDo Mandanas na ipinarating sa mga lokal na katuwang sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura ang kanyang suporta at pagpapahalaga sa mga Batangueñong magsasaka at mangingisda sa gitna ng pandemya.

Nanawagan din ang gobernador sa mga kabataang Batangueño na paunlarin ang kanilang kaalaman sa larangan ng agrikultura sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral at pagsasanay, katuwang ang iba’t ibang mga ahensiya at sangay ng pamahalaan sa larangan ng agrikultura.

Mon Antonio Carag III, Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.