END Rabies Campaign Isinulong sa Lemery

Mga LGU sa palibot ng Verde Island Passage, Nagkaisa para sa Wastong Pangangalaga Nito
March 29, 2017
Info Kiosk para sa ASEAN Summit, Binuksan na sa Batangas Port
April 3, 2017

MARCH 30,2017

Lemery, Batangas – Tinungo ng mga kinatawan ng Provincial Rabies Technical Committee na binubuo ng mga tauhan ng Provincial Health Office at Provincial Veterinary Office ang bayan ng Lemery para sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month na may temang “ End Rabies Now Na” noong ika-29 ng Marso 2017.

Naging tampok na kaganapan sa okasyon ang paghimok sa mga mamamayan na maging responsableng pet owners at agad pabakunahan ang kanilang mga alagang hayop, ganun na rin ang paglalahad ng kumite sa mamamayan ng mga importanteng probisyon na nilalaman ng Provincial Rabies Ordinance.

Isa ang bayan ng Lemery sa mga local government units sa lalawigan sa kasalukuyan ay wala pang ordinansa para labanan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Suportado naman ng mga namumuno ng bayan ng Lemery ang hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan na tulungan ito sa pagbalangkas ng nasabing ordinansa. Dumalo sa naturang pagtitipon sina Lemery Mayor Larry Alilio, Vice Mayor Monette Rosales at Sangguniang Bayan Councilor Geraldine Ornales na siyang Chairperson ng Committe on Health.

Bukod sa pamunuan, nakiisa sa paglaban sa rabies ang mga Barangay Captains ng nasabing bayan kasama ang kanilang mga Barangay Health Workers, Municipal Health personel at mga kinatawan ng Department of Health Region 4-A na magsasanib puwersa upang mapalaganap ang kaalaman sa pagsugpo ng Rabies.

Pangunahing tinalakay sa okasyon ang paglikha ng Bantay Rabies sa barangay, na naglalayong bantayan ang pagkalat ng rabies sa bakuran at paghihikayat na makapagtayo ng mga municipal dog pound sa bayan.

Bukod sa mga forum, inilahad ng mga miyembro ng kumite ang kanilang on going activity tulad ng pagbisita sa mga nakatayong dog pound at mga animal shelters upang makapag-examine ng mga ulo ng mga namatay na hayop upang makita kung mayroong rabies infection ang dog population na pinanggalingan ng mga ito.

Ayon pa sa mga numumuno ng Provincial Rabies Technical Committee, ang ganitong hakbang ay isinasagawa upang agarang matukoy ang mga apektadong barangay sa mga munisipyo at masawata agad ang pagkalat nito.

Ito ay ay sa kadahilanan na target ng Department of Health na maging Rabies-Free, di lamang ang lalawigan kungdi ang buong Pilipinas sa pagsapit ng taong 2020./ Edwin V. Zabarte-OPG-PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.