Empleyado ng Provincial Agri Office, Pinarangalang Outstanding Farmer Technician

Philippine Association of Social Workers, Inc.
February 23, 2018
Mga Batangueñong Magsasaka Ipapadala sa Chuncheon City, South Korea
February 27, 2018

Batangueña Outstanding Farmer Technician. Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas si Melinda Mendoza, Agriculturist II at Good Agricultural Practices (GAP) Focal Person ng Office of the Provincial Agriculturist ng Lalawigan ng Batangas, na nauna nang hinirang ng Rotary Club of San Pascual and Rotary International bilang natatanging lingkod bayan at Outstanding Farmer Technician noong ika-17 ng Pebrero 2018. Kasama sa larawan sina Vice Gov. Nas Ona at mga bokal ng Sangguniang Panlalawigan, Provincial Agriculturist Pablito Balantac at Provincial Administrator Levi Dimaunahan. Almira M. Eje / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

February 26, 2018

Bilang pagpupugay sa hindi matawarang dedikasyon at pagmamahal sa kanyang tungkulin, hinirang ng Rotary Club of San Pascual and Rotary International bilang natatanging lingkod bayan at Outstanding Farmer Technician si Ms. Melinda Mendoza, Agriculturist II at Good Agricultural Practices (GAP) Focal Person, mula sa Office of the Provincial Agriculturist ng Lalawigan ng Batangas noong ika-17 ng Pebrero 2018.

Binigyang pagkilala din ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas si Ms. Mendoza sa Flag Ceremony ng mga kawani ng Kapitolyo noong ika-26 ng Pebrero 2018.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Ms. Mendoza na mahigit 26 taon na siya sa serbisyo at madami na rin siyang naging kontribusyon. Nagsimula siya sa paghawak sa mga organisasyon at nagbibigay din ng mga kaalaman sa pamamagitan ng trainings at lectures sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Batangas. Tinalakay naman niya ang tungkol sa mga programang isinasagawa ng kanilang tanggapan, kabilang ang vegetable production project, corn seed production project, organic agriculture, rice production assistance project, food agricultural practices at seed assistance.

Samantala, pinagtuunan niya ng pansin ang tungkol sa organic farming. Aniya, wala silang chemical na ginagamit sa kanilang mga pataba sapagkat nakalalason ito sa lupa, lalong lalo na sa mga pangunahin nilang pananim tulad ng kamatis, ampalaya, okra, sili at kalabasa.  Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.