Dulaan at Eksibit ng Batangas Province Culture and Arts High, Itinanghal

Notice of Vacant Positions
March 8, 2018
Anti-Rabies Vaccination patuloy na Isinasagawa sa Buong Lalawigan ng Batangas
March 12, 2018

Galing ng Kabataang Batangueño. Bakas sa mukha ni Gov. Dodo Mandanas ang tuwa at pagmamalaki matapos mapanuod ang “Roselang Bubog” Musikal Eksperimental ng Dalambuhay ni Marcela Mariño Agoncillo, na may temang “May dilag ang dula sa paglayang minamahal,” na ipinamalas ng mga mag-aaral ng Batangas Province High School for Culture and Arts noong ika- 12 hanggang ika- 15 ng Marso 2018 sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City. Cecilei De Castro / Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

March 12, 2018

Isang dula na pinamagatang “Roselang Bubog” Musikal Eksperimental ng Dalambuhay ni Marcela Mariño Agoncillo na may temang “May dilag ang dula sa paglayang minamahal,” ang ipinamalas ng mga mag-aaral ng Batangas Province High School for Culture and Arts noong ika- 12 hanggang ika- 15 ng Marso 2018 na ginaganap sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Ang musical play ay isang pag-salamin sa naging buhay ng isa sa tanyag na lumikha ng pambansang watawat ng Pilipinas na si Marcela Agoncillo na tubong Taal, Batangas. Layunin ng programa na maipakilala at tangkilikin ang galing at kulturang Batangueño at maipakita ang kahusayan ng mga mag-aaral na pawang mga scholars din ng Kapitolyo.

Nasaksihan ni Gov. Dodo Mandanas, kasama si Mrs. Merly Pasatiempo ng Scholarship Division ng Provincial School Board, ang naging palabas at buong pagmamalaking inihambing ang lokal na produksyon sa mga malalaking theater performances sa Cultural Center of the Philippines sa Maynila.  Tunay aniyang selebrasyon ang nasabing musical ng galing at talento ng mga Batangueño.

Ang nasabing programa, na may kasama ring isang eksibit ng mga ipinintang larawan ng mga mag-aaral at ilang mga guro na ginabayan ng temang “Kabataan ng Sining,” ay taunang isinasagawa bilang culminating activity ng mga estudyante ng BPHSCA na may bilang na 250 at sinanay at hinubog sa magkakaibang larangan ng sining.

Ayon kay Reynaldo S. De Mesa, Theatre Arts Specialist ng BPHSCA, ang buong produksyon ay orihinal na nilikha ng mga mag-aaral mula sa mga ginamit na awitin at inilapat na mga tunog at musika, sa tulong din ng mga guro na naging gabay sa murang kaisipan ng mga hayskul students upang mapaganda at yakapin ang natatanging kulturang Batangueño.

Ang Batangas Province High School for Culture and Arts ay naitayo sa pamamagitan ni Gov. Dodo Mandanas noong una niyang termino ng paglilingkod bilang ama ng Lalawigan ng Batangas. Cecilei De Castro

Galing ng Kabataang Batangueño. Bakas sa mukha ni Gov. Dodo Mandanas ang tuwa at pagmamalaki matapos mapanuod ang “Roselang Bubog” Musikal Eksperimental ng Dalambuhay ni Marcela Mariño Agoncillo, na may temang “May dilag ang dula sa paglayang minamahal,” na ipinamalas ng mga mag-aaral ng Batangas Province High School for Culture and Arts noong ika- 12 hanggang ika- 15 ng Marso 2018 sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City. Cecilei De Castro / Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
83

Comments are closed.