DPWH Sec. Villar, Deputy Speaker Abu Nanguna sa Briefing, Inspeksyon ng Bauan – Batangas City Access Road

Mga Diabetiko, Bumida Sa Isang Proyekto
November 17, 2017
Pagtaas ng Star Toll Way Fee, Tinalakay
November 23, 2017

Bauan – Batangas City Access Road. Itinuro ni Deputy Speaker Raneo Abu, congressman ng Batangas Province 2nd District, at 5th District Rep. Marvey Marino kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang lugar kung saan babagtas ang Bauan – San Pascual – Batangas City Access Road project, sa briefing and inspection noong ika-20 ng Nobyembre 2017 sa bayan ng San Pascual, Batangas. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Onin Castillo – Batangas Capitol PIO

November 21, 2017

Kaugnay ng Bauan – San Pascual – Batangas City Access Road project, personal na dumalo sa isang briefing and inspection si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, kasama sina Deputy Speaker Raneo Abu, congressman ng Batangas Province 2nd District, at 5th District Rep. Marvey Marino noong ika-20 ng Nobyembre 2017 sa bayan ng San Pascual, Batangas.

Nauna nang ipinagbigay alam ni Deputy Speaker Ranie Abu na nakatakda nang simulan bago magtapos ang taong kasalukuyan ang proyektong kalsada na nilaanan ng P524-milyong badyet ng pamahalaang nasyunal.

Tiniyak ng kalihim ang agarang pagpapagawa ng nasabing access road na inaasahang magiging solusyon sa maraming taon nang problema ng napakasikip na trapiko sa highway na nagdudugtong sa Batangas City, San Pascual at Bauan.

Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong sina DPWH Regional Director Samson Hebra, San Pascual Vice Mayor Tony Dimayuga at iba pang mga lokal na opisyal ng mga apektadong mga bayan.

Binigyang-diin pa ni Cong. Abu na bago matapos ang taong 2019 ay inaasahang magiging passable na ang kabuuan ng access road at tuluyang makukumpleto sa taong 2020.  Jenny Asilo Aguilera  – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.