Donasyong multi-purpose bldg. ng ABS-CBN Foundation, binuksan ng Batangas Capitol

Supplemental Project Procurement Management Plan and PPMP (CAP DEV)
January 24, 2025
Invitation to Bid – GOODS (February 17, 2024)
January 28, 2025

January 28, 2025

Pormal na pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang donasyong two-storey Multi-Purpose Building mula sa ABS-CBN Foundation noong ika-27 ng Enero 2025 sa Batangas Provincial Sports Complex, Barangay Bolbok, Batangas City.

Pinangunahan ni Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Chairperson, Governor Hermilando Mandanas, ang isinagawang Turnover and Blessing Ceremony ng naturang gusali, na kikilalanin bilang Provincial Evacuation Center ng Lalawigan ng Batangas. Pinangasiwaan naman ang aktibidad ng PDRRM Office, sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Amor Calayan.
Ang proyektong ito ay naitampok noong 2020, sa kasagsagan ng pagsabog ng Bulkang Taal, sa pamamagitan ng Sagip Kapamilya, isang programa ng ABS-CBN Foundation na nagbibigay ng tulong sa mga komunidad sa Pilipinas na naapektuhan ng mga kalamidad, na noon ay nagsagawa ng humanitarian assistance sa mga pamilyang apektado.

Nakipagpulong ang mga kinatawan ng Sagip Kapamilya kay Governor Mandanas upang kumonsulta kung ano pang mga tulong ang kanilang maaaring maibigay upang mapagaan ang kalagayan ng mga evacuees na nananatili sa mga masikip na evacuation centers. Sa pulong na iyon, ipinakita ng gobernador ang ideya ng pagtatayo ng isang evacuation center sa Provincial Sports Complex.


Matapos ito, isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas na nagpahintulot na pumasok sa isang kasunduan para sa konstruksyon ng multi-purpose na gusali sa pagitan ng nasabing foundation at Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Dahil ang gusali ay dinisenyo bilang multi-purpose, maaaring gamitin ng pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ng PDRRMO, ang espasyo bilang evacuation center o relief hub tuwing may kalamidad, o bilang lugar ng pagsasanay kapag wala namang gumagamit nito.

Sa mensahe ng gobernador, malugod niyang pinasalamatan ang ABS-CBN Foundation sa pagbibigay ng gusaling magagamit ng lalawigan para sa kahandaan sa kalamidad at mga sakuna.

Naging kaisa sa pagtitipon sina Vice Governor Mark Leviste, Provincial Administrator Wilfredo Racelis, ABS-CBN Foundation Managing Director Roberta Lopez-Feliciano, ABS-CBN Foundation Operations Advisor Higino Dungo, Office of Civil Defense IV-A Division Chief Reyan Derrick Marquez, at ilang mga department heads at opisyal ng pamahalaang panlalawigan. Batangas Capitol PIO – Almira Elaine Baler | Photos: Maccvenn Ocampo

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.