DOH: Ibaan Isolation at Quarantine facility, Patunay ng Pagtutulungan Laban sa COVID-19

P15 Milyon na Bio-molecular Laboratory, Itatayo sa Lalawigan ng Batangas para sa Pagpapalawig ng COVID-19 Testing
May 26, 2020
Notice of Award – Emergency Purchase of Medicines for COVID-19 (Ascorbic Acid Syrup 120ml, Ascorbic Acid 500mg tablet 100’s etc.)
May 29, 2020

May 28, 2020

“Pinapakita lamang (sa pagbubukas ng Batangas Provincial Isolation Facility at Specially-Designed Quarantine at Isolation Facility para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Malainin, Bayan ng Ibaan) na marami tayong iba-ibang pananaw. Pero, at the end, iisa ang pinupuntahan – pagtutulungan ng mga Batangueno.”

Ito ang naging pahayag ni Dr. Eduardo Janairo, Director IV ng Department of Health (DOH) – CALABARZON Center for Health Development, sa simpleng Turn-Over Ceremony na isinagawa noong Mayo 21, 2020.

Sa nasabing okasyon, isinalin ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, sa DOH ang pangangasiwa ng dalawang nasabing facilities na may 300-bed capacity, at kauna-unahan sa CALABARZON.

Binigyang-diin ni Dr. Janairo na sana ay gayahin ang nangyaring pagtutulungang ito ng ibang probinsya, kung saan hindi pa nauumpisahan ang karamihan sa pagpapagawa ng mga kagayang pasilidad upang malabanan ang COVID-19.

Ibinahagi rin ng kinatawan ng DOH ang iba pang ikinakasang proyekto sa pagitan ng kagawaran at Batangas Capitol. Kabilang dito ang pagpapabilis sa aplikasyon ng apat na district hospitals ng lalawigan – Don Manuel Lopez Memorial District Hospital sa Balayan, Laurel Memorial District Hospital sa Lungsod ng Tanauan, Martin Marasigan Memorial District Hospital sa Cuenca, at San Jose District Hospital sa San Jose – na maging Level 2 hospitals. Pinaghahandaan na rin aniya ng DOH ang paglalaan ng pondo para magkaroon ang nasabing mga ospital ng Intesive Care Units at maging COVID responsive.

Inaasahang mabibisita ang mga ospital ng isang DOH team para makita kung paano maisasaayos at mas mapapaganda ang mga lugar, matapos magpasa ang Chiefs of Hospital ng listahan ng mga kakulangan sa kani-kanilang mga pagamutan.

Nakahanda rin daw ang DOH na makipagtulungan para sa pagkuha ng mga karagdagang duktor at nurses.

Pinasalamatan din ni Dr. Janairo si Gov. Mandanas sa agaran nitong pagtugon sa mga pangangailangan ng Malainin facility, kabilang ang pagtatalaga ng service vehicle para dito.

Nakikipag-ugnayan din ang DOH CALABARZON sa mga mayor ng Lungsod ng Lipa, Malvar, Taal at Balete para sa pagtatayo ng mga isolation areas at tents.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.