Division PTA Forum and Oath Taking Ceremony, isinagawa

Kauna-unahang Batangueña DILG ASec kinilala ng SP
October 1, 2019
Notice of Vacant Position
October 2, 2019

October 1, 2019

Magkatuwang na isinagawa ng Department of Education (DepEd) Batangas Province at Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Division Parents – Teachers Association Forum and Oath-Taking Ceremony sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City noong ika-30 ng Setyembre 2019.

Tinalakay dito ang iba’t-ibang panuntunan at patnubay, na nakasaad sa DepEd Order No. 54, Series of 2009, o ang Revised Guidelines Governing Parents-Teachers Association (PTAs) at the School Level, kabilang ang tungkol sa collection policy, fund-raising policy, paggawa ng financial statement report, at safekeeping of funds.

Pinangunahan naman ni Gov. DoDo Mandanas ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na mga opisyales ng Division PTA. Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Gov. Mandanas na laging nakahandang tumulong ang pamahalaang panlalawigan sa DepEd Batangas. Kabilang sa mga proyekto ng Kapitolyo ang pagbibigay sa bawat public school ng LED Television, pagpapagawa ng computer room, at pagpapalagay ng mabilis na internet.

Ayon naman kay Dr. Manuela S. Tolentino, DepEd Batangas Schools Division Superintendent, pinapatibay ng ganitong mga gawain ang relasyon ng mga magulang, pamunuan ng mga paaralan at mga guro sa buong lalawigan.

“It takes a village to raise a child”, dagdag pa ni Dr. Tolentino, na nagsabi ring naniniwala siyang magiging matagumpay ang mga bagong officers upang makamit ang mga layunin para sa kani-kanilang paaralang nasasakupan.

Dumalo rin sa forum sina Mrs. Merlita Pasatiempo, Executive Assistant to the Governor, at Mrs. Catherine V. Maranan, Associate Schools Division Superintendent ng DepEd Batangas Province.

Junjun Hara De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.