Disability Data Management System Pilot Testing Seminar, Isinagawa ng Provincial Disability Affairs Office

Invitation to Submit Quotation (Lease Of Venue)
December 12, 2022
Gawad Parangal para sa mga Government Health Offices, Facilities sa Batangas, Iginawad ng Kapitolyo
December 12, 2022

December 12, 2022

Sa hangarin na mas mapabuti ang kalagayan ng mga persons with disability (PWD) sa lalawigan, isinagawa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamamagitan ng Provincial Disability Affairs Office (PDAO) ang pilot testing seminar para sa disability data management system noong December 6-8, 2022 sa Batangas Country Club, Bolbok, Batangas City.

Ang tatlong araw na pagsasanay ay naglalayon na maisaayos ang datos ng mga kababayan na PWD upang mas madaling maipaabot sa kanila ang mga tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan.

Kasama sa mga dumalo sina PDAO Consultant Edwin de Villa at mga kinatawan mula sa mga bayan ng San Pascual, San Juan, Cuenca, Calatagan, at Lungsod ng Tanauan. Ang limang local government units ang napili para maging bahagi ng pilot program ng ipatutupad na pagsasaayos.

Ilan sa mga paksa na binigyang-pansin sa pagsasanay ang pagsasagawa ng interview o panayam sa mga PWD. Itinuro rin ang tamang paggamit ng tablet, toolkit at Kobo app, na isang application para makapagbasa ng mga eBooks at audiobooks.

Kaugnay nito, hiningi ang partisipasyon ng labinglimang magulang na may anak na PWD mula sa Batangas City upang sumailalim sa isang interview na magiging basehan kung ano ang mga pamamaraan na mas angkop na gawin sa pagkalap ng impormasyon.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO / Photos from PDAO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.