Dance Sector Pormal na Binuo sa Lalawigan ng Batangas

Batangas – China Marine Partnership
April 18, 2017
Regional Farm Youth Camp 2017, Ginanap sa Lalawigan ng Batangas
April 19, 2017

Batangueño Dance Sector. Nanumpa sa harap ni Gov. Dodo Mandanas ang mga opisyal ng Dance Sector, na bahagi ng Batangas Province Culture and Arts Council, noong April 17, 2017 sa Batangas Capitol. Hangad ng asosasyon ng malalaking dance groups, dance schools at choreographers sa Batangas Province ang pagtataguyod at pagpapalawig ng dance culture sa lalawigan sa tulong ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, sa pamumuno ni Atty. Sylvia Marasigan. Vince Altar / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Pormal na binuo ang Dance Sector sa Lalawigan ng Batangas, na magiging bahagi ng Batangas Province Culture and Arts Council – ang samahan ng mga government and private individuals and groups sa larangan ng kultura at sining sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas at ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office.

Hangad ng Dance Sector na ma-organisa ang malalaking dance groups, dance schools at choreographers sa Batangas Province. Sa ganitong paraan, ang pagtataguyod at pagpapalawig ng dance culture at ang pagpapakita ng iba’t ibang klase ng sayaw ay maaaring maisasama sa programs, plans and activities ng Provincial Tourism Office, sa pamumuno ni Atty. Sylvia Marasigan.

Sa pormal na pagkakaroon ng samahan ng mga dance groups, inaasahang mabibigyan ng inspirasyon ang mga kabataang Batangueno na lalo pang pag ibayuhin ang kanilang mga angking galing at talento sa pagsayaw, at maipaalam sa publiko ang mga public at private schools at groups kung saan maaaring mag aral at maging mga miyembro.

Ilan sa mga opisyal ng samahal na nanumpa kay Gov. Dodo noong ika-17 ng Abril 2017 ay sina Ms. Aylene Acorda, Community Affairs Officer ng City Government of Lipa, bilang Director; Mr. Alvin Remo, ng Batangas City Government Employees Dancers at Batangas State University Dance Company, bilang Head; Ms. Cecile Cordero Diaz, Artistic Director at Choreographer ng Sining Kumintang ng Batangas, bilang Vice Head.
May mga representatives din sa iba’t ibang klase ng sayaw tulad ng Folk dance, ballet, jazz, ballroom, hip hop, festival dance at contemporary dance. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.