AGRI HELP. Pormal na ibinigay ng Department of Agriculture – Regional Field Unit 4A ang ilang mga kagamitang pang agrikultura sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa Batangas Capitol, Batangas City noong September 18, 2017. Kabilang ang traktora sa larawan na tinanggap ng mga opisyal ng lalawigan, sa pangunguna nina (mula kaliwa) Provincial Agriculturist Engr. Abe Balantac, Gov. Dodo Mandanas, Provincial Administrator Levi Dimaunahan at Provincial Planning & Development Officer Benjie Bausas. Vince Altar / Photo: Eric Arellano - Batangas Capitol PIO
September 22, 2017
AGRI HELP. Pormal na ibinigay ng Department of Agriculture – Regional Field Unit 4A ang ilang mga kagamitang pang agrikultura sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa Batangas Capitol, Batangas City noong September 18, 2017. Kabilang ang traktora sa larawan na tinanggap ng mga opisyal ng lalawigan, sa pangunguna nina (mula kaliwa) Provincial Agriculturist Engr. Abe Balantac, Gov. Dodo Mandanas, Provincial Administrator Levi Dimaunahan at Provincial Planning & Development Officer Benjie Bausas. Vince Altar / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
Pormal na ibinigay ng Department of Agriculture – Regional Field Unit 4A ang ilang mga kagamitang pang agrikultura sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa isang simpleng seremonya sa Provincial Auditorium, Batangas City noong September 18, 2017.
Ang turn over ng Corn Farm Machinery and Equipment ay pinangunahan nina Mr. Fidel Libao, Agricultural Programs Coordinating Officer – Batangas Province, at Ms. Avelita Rosales, Regional Corn Focal Person. Tinanggap ito ng mga opisyal ng lalawigan, sa pangunguna nina Gov. Dodo Mandanas, Vice Gov. Nas Ona at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.
Kabilang sa mga kagamitan ang isang four wheel drive tractor na may disc plow at trailing disc harrow, na magagamit sa pag-aararo ng lupang sakahan, at trailer; mechanical corn sheller; corn planter; hammer mill; vacuum pack sealer; at moisture meter.
Kasamang naging saksi sa pagsasalin ng mga nasabing kagamitan si Provincial Agriculturist Engr. Abe Balantac. Vince Altar / Batangas Capitol PIO