Crown of Thorns Outbreak sa Batangas, Patuloy na Tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan

9 na Lugar sa Batangas Province, Nagpositibo sa Arsenic
June 4, 2022
Mahigit ₱1.2 Milyon Tulong-pinansyal, Ipinamahagi ng PSWDO
June 6, 2022

June 4, 2022

In photo: Batangas PG-ENRO Chief, Luis Awitan, habang tinatalakay sa harap PDRRMC ang estado ng MPA’s sa mga baybayin sa lalawigan

9 na mga bayan sa Batangas Province ang nakapag-alis ng tone-toneladang Crown of Thorns Starfish (COTs) na patunay sa kasalukuyang outbreak nito sa mga karagatan ng lalawigan.

Kabilang ito sa tinalakay sa isinagawang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) meeting ni Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) chief Luis Awitan sa Provincial Auditorium, Batangas City noong ika-2 ng Hunyo 2022.

Ayon kay Ginoong Awitan, ikinokonsiderang may outbreak ng COT o “taeng kalabaw,” isang species ng starfish na kumakain sa coral reefs, sa isang lugar kapag mayroong 15 hanggang 30 na COTs sa loob ng isang hektarya ng karagatan.

Binigyang-diin naman ni Gov. DoDo Mandanas, na nanguna sa council meeting, na nakatutok ang pamahalaang panlalawigan sa pagtugon sa nasabing problema upang maproteksyunan ang likas na yaman ng lalawigan, ang kahabaan ng Verde Island Passage, na tinagurian ng mga siyentipiko at eksperto na “center of the center of marine biodiversity in the world.”

Sa isinagawang clearing operations ng mga pamahalaang lokal at mga partner organizations sa kani-kanilang mga marine protected areas (MPAs), nakapag-alis ng mahigit 4,500 na piraso ng COTs sa Batangas City, 48 piraso ng COTs sa Lian, mahigit tatlong toneladang COTs sa Mabini, 25 na piraso ng COTs sa San Luis, mahigit na 2,000 piraso ng COTs sa Tingloy, 202 na COTs sa Nasugbu, 968 COTs sa Calatagan, at 25 COTs naman sa bayan ng Taal.

Bilang karagdagang hakbang, nakatakdang maglaan ang PGENRO ng ₱3 Milyon para sa pagpapatupad ng mga kakailanganing programa upang masolusyonan ang COTs outbreak sa mga karagatan ng lalawigan ng Batangas.

Patuloy naman ang iba’t ibang marine conservation organizations, katuwang ang pamahalaang panlalawigan at mga local government units, sa pagsasagawa ng follow-up monitoring and clean-up operations upang matukoy kung nababawasan o dumarami pa ang bilang ng mga COTs sa kanilang nasasakupang MPAs.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.