COVID Cases sa Capitol, Umabot sa 54 na Kawani

Batangas Capitol, Gov. Dodo: Hinihikayat ang mga Batangueño na Makiisa sa Earth Hour
March 27, 2021
Pagsirit ng Kaso ng COVID-19, Patuloy na Pinaghahandaan ng Kapitolyo
March 30, 2021

March 30, 2021

Mula sa datos ng Provincial Health Office, nasa 54 na mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang nag-positibo sa COVID-19 nitong nakaraang linggo.

Pinakamaraming tinamaan ng virus ang Provincial Treasurer’s Office, kung saan galing ang mga empleyadong may tungkulin sa pamamahagi ng mga financial assistance, tulad ng educational, medical, burial, at iba pang tulong.

Karamihan ng mga opisinang may mataas na bilang ng COVID cases ay nasa frontline ng pagbibigay ng public service ng Kapitolyo, kabilang ang Provincial Assistance for Community Development Office, Provincial Accounting Office, Provincial Veterinary Office, at Lobo District Hospital.

Ayon sa Office of the Provincial Governor, ipinatutupad sa bawat tanggapan ng Kapitolyo ang pagsunod sa lahat ng health protocols kontra sa new corona virus, kabilang ang pagsusuot ng face masks at face shields, 30% – 50% work force per office, hindi pagpapapasok ng mga bisita sa mga opisina, at physical distancing.

Kung kaya’t muling binibigyang-diin ang ibayong pag-iingat ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan, bunsod ng nangyaring mataas na infection rate, sa harap ng patuloy na pagganap sa tungkulin ng mga ito.

Kaugnay nito, tuloy pa rin ang nakatakdang pamamahagi sa susunod na linggo ng honorarium ng mga barangay volunteer workers at ayuda sa mga pamilyang wala sa talaan ng nagkaroon ng COVID-19 case at contact tracing. Ang mga nasabing financial assistance ay tatanggapin ng mga pangulo ng Barangay Health Workers ng iba’t ibang bayan sa lalawigan.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.