COVID-19 Facilities ng Lalawigan, Pormal nang Binuksan

Tuloy-tuloy na Serbisyo, Hatid ng Batangas ProVet Office
May 20, 2020
P15 Milyon na Bio-molecular Laboratory, Itatayo sa Lalawigan ng Batangas para sa Pagpapalawig ng COVID-19 Testing
May 26, 2020

May 21, 2020

Pormal nang binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Batangas Provincial Isolation Facility at Specially-Designed Quarantine at Isolation Facility para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Malainin, Bayan ng Ibaan.
Sa simpleng Turn-Over Ceremony na isinagawa ngayong araw, Mayo 21, 2020, isinalin ng lalawigan sa Department of Health ang pangangasiwa ng dalawang nasabing facility.

Matapos ang pagbabasbas sa mga pasilidad, iniabot ni Batangas Gov. DoDo Mandanas ang kopya ng Memorandum of Agreement at Inventory ng mga kagamitan at service vehicle kay Dr. Eduardo Janairo, Director IV ng DOH – CALABARZON Center for Health Development. Ang pagsasaayos ng mga pasilidad, mga kagamitan, mga gamot, at service vehicle na gagamitin dito ay mula sa pondo ng lalawigan.

Binigyang-diin ni Gov. Mandanas na ang pagpapagawa ng mga nasabing pasilidad sa Ibaan ay pagtalima sa Department of the Interior and Local Government (DILG), sang-ayon sa kanilang Memorandum Circular (MC) 2020-064, na nagtakdang kinakailangang mag-designate ng probinsya ng special care facilities at isolation units para sa COVID-19 disease, na sang-ayon rin sa DILG MC ay pangangasiwaan ng DOH.

Ipinaliwanag ng gobernador na hindi katulad ang lalawigan ng mga lungsod at bayan na may budget mula sa national government para magbukas at magpatakbo ng kanilang mga sariling pasilidad. Gayunpaman, hangarin ng lalawigan na makapaglaan ng mas maraming kagayang pasilidad sa Batangas.

Sa kasalukuyan, nakatutok ito sa paglalagay ng mga isolation units sa mga district hospitals, kasabay ng pagpapagawa ng mga bagong buildings at paglalaan ng mga naaangkop na medical equipment.

Nakahanda na rin ang special care facility sa Batangas Provincial Sports Complex sa Bolbok, Lungsod ng Batangas, na hinihintay na lamang ang DOH accreditation upang opisyal na magamit.

Kabilang sa mga nakiisa sa simpleng seremonya sina Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta; PNP CALABARZON Regional Director, PNP PBGen. Vicente Danao Jr.; PNP Batangas Provincial Director, PCol. Rex Alvin Malimban; at mga opisyal ng DOH at Batangas Capitol.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
7

Comments are closed.