July 2, 2018
Bilang pagpupugay sa mga Child Development Workers ng Lalawigan ng Batangas, idinaos ang Child Develoment Workers’ Week Celebration, na may temang: “Sa pagpapaunlad at pagbabago ng kabataan, Child Development Worker na may malasakit ang kailangan,” sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika- 29 ng Hunyo 2018.
Sa pananalita ni Gov. Dodo Mandanas, ipinarating niya sa mga Child Development Workers ang kanyang pagpupugay, pagsuporta at pagnanais na mabigyan pa ng mga karagdagang benepisyo ang mga manggagawang guro.
Binanggit ni Gov. Mandanas na pangarap niya na magkaroon ng bagong LED television sets at internet connection ang mga CDWs sa kanilang mga silid aralan at mabigyan din ang mga ito ng tag-iisang smart phone.
Ginawaran ng Sertipiko ng Pagkakilala ang mga CDWs na 25 years pataas na sa serbisyo, bukod pa sa cash incentives.
Nagdaos ng Search for the Most Outstanding CDW. Sa limang nominado, si Gng. Elizabeth Villanueva Manimtim ang nakakuha ng titulo. Si Gng. Manimtim ay binigyan ng plaque at nakatanggap ng cash incentive.
Kabilang sa mga nagsalita sa selebrasyon sina 1st District Board Member Glenda Bausas; PSWDO Department Head Jocelyn R. Montalbo; at DSWD RO IV-A Regional Director Annie E. Mendoza.
Nagkaroon ng isang raffle ng pangkabuhayan showcase mula kay 6th District Senior BM Weng Africa, na napanalunan ng Munisipalidad ng San Jose. Sa huling bahagi ng programa, ipinamahagi ang honararium ng mga CDWs. – Maan Joy G. Saluta – Batangas Capitol PIO