Capability Building Programs para sa Lalawigan ng Batangas, tinalakay

MoU para sa Batangas Provincial Commodity Investment Plan 2018-2020, Pinagpulungan
November 14, 2018
Panlalawigang Aklatan, Iniulat ang mga Serbisyo
November 19, 2018

Mga Programa tungo sa isang #RichBatangas. Upang mas mapalawig at mapalakas pa ang pagpapaabot ng tulong sa mga bayan at lungsod patungo sa bawat Batangueño, pinangunahan ni Governor Dodo Mandanas ang pagtalakay sa Capability Building Programs ng lalawigan sa Joint General Assembly Meeting ng Provincial Development Council (PDC) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na idinaos sa Bulwagang Batangan, Capitol Compound, Batangas City noong ika-13 ng Nobyembre 2018. ✎ Mark Jonathan Macaraig/Photo by Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

November 15, 2018

Mga Programa tungo sa isang #RichBatangas. Upang mas mapalawig at mapalakas pa ang pagpapaabot ng tulong sa mga bayan at lungsod patungo sa bawat Batangueño, pinangunahan ni Governor Dodo Mandanas ang pagtalakay sa Capability Building Programs ng lalawigan sa Joint General Assembly Meeting ng Provincial Development Council (PDC) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na idinaos sa Bulwagang Batangan, Capitol Compound, Batangas City noong ika-13 ng Nobyembre 2018. ✎ Mark Jonathan Macaraig/Photo by Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Kasabay ng isinagawang Joint General Assembly Meeting ng Provincial Development Council (PDC) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), tinalakay ang Capability Building Programs (CBP) para sa Lalawigan ng Batangas na may hangarin na mas mapalawig pa ang mga tulong at proyektong naka-sentro sa ikabubuti ng mga Batangueño.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ni Governor Dodo Mandanas, kasama ang ilang opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, at dinaluhan ng mga alkalde mula sa iba’t-iba’t munisipalidad at lungsod. Ito ay ginanap noong ika-13 ng Nobyembre 2018 sa Bulwagang Batangan, Capitol Compound, Batangas City.

Sa pagpapaliwanag ng gobernador sa mga partisipante, plano ng pamahalaang panlalawigan na humiram ng halagang apat na bilyong piso sa anumang financial institutions para sa Educational Capability Program, Health Capability Program at Capability Development Program for LGUs na nakapaloob Capability Building Program.

Aniya, ang CBP ay legal na binalangkas sang-ayon sa Republic Act 7160 o Local Government Code, kung saan nakapaloob ang full autonomy ng Kapitolyo sa pagsasakatuparan ng proprietary functions, kabilang ang magpasok sa loan agreements sa anumang bangko ng pamahalaan at mga institusyong nagpapautang.

Sa programang nakatuon sa edukasyon, ilalaan dito ang halagang isang bilyong piso para sa pagpapatayo ng Open Classrooms at Education Buildings with Library Hub. Kasama rin dito ang pagkakaroon ng Service Vehicles, LED screens para sa elementarya at sekondaryang mga paaralan, Instruction Materials, Educational Assistance Program at iba pang proyekto sa labas ng regular Special Education Fund o SEF.

Isang bilyong piso rin ang ilalaan sa Health Capability Program na nakatuon sa Batangas Provincial Hospitals bilang isang Economic Enterprise. Ito ay base sa ilang mga naipasang resolusyon at ordinasa gaya ng Resolution No. 05-2018 o Converting Lipa City Lipa City District Hospital, Laurel District Hospital, and Apacible Memorial District Hospital as economic enterprise at Provincial Ordinance No. 016-2017 o Batangas Public-Private Joint Venture.

Kasama rin sa proyektong pangkalusugan ang pagkakaroon ng Construction of Dialysis and Diagnostic Building at pagbili ng mga kagamitang pang-medikal katulad ng Computed Radiography System, CT Scan Machine with Complete Set-up and accessories, 2D Echo Machine, MRI Machine at Automatic External Defibrillator (AED) for ambulance use.

Huling pinagusapan at binigyang diin ni Governor Dodo Mandanas ang Capability Development Programs for LGUs kung saan dalawang bilyong piso ang ilalaan at hihiramin sa bangko na makakapagbigay ng pinakamaliit na interes.

Ayon sa gobernador, malaking tulong ito sa mga munisipalidad at lungsod sa probinsya para sa minimithing mayamang Batangas. Ilan sa pre-identified projects ay mga ambulansya, service patrol vehicles, construction of water systems, pagpapagawa ng mga multi-purpose buildings, repair of pathways, generator sets at iba pang mga proyekto.

Samantala, inihayag ng gobernador na kabilang sa magiging pambayad sa naturang loan ay ang napipintong pagtaas ng Internal Revenue Allotment (IRA) base sa matagumpay na naging resulta ng inihaing petisyon sa Supreme Court ni Governor Dodo Mandanas.
✎Mark Jonathan Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.