Capability Building ng Batangas PDRRMO, Tuloy-tuloy sa Kabila ng Pandemya

Batangas PDRRMO Ambulance, Patuloy ang Paghahatid ng COVID-19 Patients
August 29, 2020
Batangas PACD: Walang Tigil ang Serbisyo, Kahit may Pandemya
August 31, 2020

August 30, 2020

Patuloy ang mga isinasagawang capability building o pagsasanay ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) para sa kanilang mga kawani, na naglalayong mas maging handa ang mga ito sa pagtugon sa mga maaaring kalamidad na dumating, sa harap ng kasalukuyang banta ng COVID-19 virus.

Ginaganap ang mga trainings sa kanilang tanggapan sa Dalubhasaan Bldg, PDRRM Office, Provincial Sports Complex, Bolbok, Lungsod ng Batangas.

Ayon kay Ginoong Lito Castro, department head ng PDRRMO, sa kanyang mensahe sa mga kasamahan sa tanggapan: “Everything starts with a good and attainable plan.”

“If you plan to fail then you’ll fail, but when you plan to succeed, then you’ll succeed,” giit pa nito.

Noong Agosto 20, 2020, binigyan ng oryentasyon ang 39 na PDRRMO staff patungkol sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management System, Community Disaster Risk Reduction and Management, at Contingency Planning and Local Disaster Risk Reduction and Management Planning. Binigyang-diin dito ang wastong pagbalangkas ng mga plano at ulat para sa bawat kalamidad.

Isinagawa naman noong ika-11 ng Agosto 2020 ang Safe Handling of COVID-19 Patients and other Communicable Diseases, at Orientation on Management of the Dead and Missing.

Ipinaalam sa nasabing workshop ang mga potensyal na panganib at peligro ng mga nakahahawang sakit, kagaya ng COVID-19, sa mga operasyon.

Tinuruan din ang mga kawani ng mga wastong hakbang sa paghawak ng mga labi ng mga nasawi sa mga sakuna, ngayong panahon ng pandemya.

Nagkaroon naman ng Orientation on Ambulance Operations, kabilang ang pagsusuot at pag-aalis ng personal protective equipment, basic life support at ambulance call, oxygen first aid at ambulance familiarization and decontamination. Layon nitong matutunan ng PDRRMO staff ang pagbibigay ng angkop na pangangalaga at emergency medical services sa COVID-19 patients.

Tinuruan din ang mga kawani sa wastong paggawa ng mga opisyal na ulat sa Disaster Reporting System Workshop, kung saan nakapaloob ang Disaster Reporting Forms, Situational Report and Difference of Public Storm Warning System and Rainfall Advisories, at Classification and Measurement, noong ika-24 ng Hulyo 2020.

Batangas Capitol PIO – VIA (Ulat / Larawan mula sa PDRRMO)

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.