Calumpang River Rehabilitation, isinusulong ng Sangguniang Panlalawigan

Assistive Device para sa mga visually impaired, ipinamahagi ng Samahang Batangueña
October 16, 2019
Bagong Nutrition Program Evaluation Tool para masukat ang implementasyon ng LGUs, ipinatutupad
October 18, 2019

October 16, 2019

Isang public hearing ang isinagawa ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, bilang tugon sa ipinapanukalang rehabilitasyon ng Calumpang River sa Lungsod ng Batangas, na pinangunahan ni 5th District Board Member (BM) Arthur Blanco, at dinaluhan ng mga stakeholders at Local Government Units (LGUs) na dinadaanan ng Calumpang River Basin noong ika-14 ng Oktubre 2019.

Ang nasabing hearing, na tugon ng legislative department ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa naging privilege speech ni BM Blanco patungkol sa Calumpang River Management noong September 30, 2019, ay nakatuon sa pagpapabuti sa water quality at flood control ng nasabing ilog.

Kaugnay nito, inilatag sa publiko ang master plan ng Calumpang River para sa flood control, na mayroon ding tourism component. Kabilang dito ang paghihikayat sa mga LGUs na sakop ng Calumpang River Basin na higpitan ang water at waste disposal management sa mga babuyan at manukan na dumadaloy papunta sa ilog.

Ayon kay BM Blanco, matatandaang 2018 pa lamang ay tinutuligsa na ang pagiging marumi ng Calumpang River bunsod ng patuloy na pagpapadaloy ng dumi ng piggeries and poultry farms sa Batangas City, San Jose, Ibaan, Rosario, Taysan, Padre Garcia, Cuenca at Lipa City, ang walong bayan na nasasaklawan ng Calumpang watershed.

Hinimok rin ng bokal mula sa Batangas City na magkaroon ng sariling deposituhan ng dumi ang mga may ari ng piggeries at poultry farms. Ang mga hindi susunod ay agarang aaksyunan at bibigyan ng karampatang parusa ng kapulisan, dagdag nito.

Hinihiling niya na maging responsable ang mga negosyante sa nasabing lugar para sa kapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

Sa pamamagitan ng rehabilitation program, inaasahang mapapanumbalik ang linis at ganda ng Ilog Calumpang sa pamamagitan ng mahigpit na pagsasakatuparan ng mga kakailanganing hakbangin, at pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng mga LGUs, stakeholders at iba’t ibang ahensya sa pamahalaang panlalawigan.

Marinela Jade Maneja – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.