November 17, 2017
45 Batangueño ang dumalo at nag-aral sa isinagawang Call Center Agents Training ng Batangas Provincial Information and Communications Technology (ICT) Council noong November 10, 2017 sa Malvar Hall ng People’s Mansion, Capitol Site, Batangas City.
Sa nasabing bilang, 13 agarang pumasa sa isang araw na pagsasanay at inaasahang makakapasok na sa trabaho sa pamamagitan ng SPI Company, isang recruitment company para sa call center agents. Samantalang ang 32 ay kinakailangan pang sumailalim sa patuloy pang pagsasanay.
Isinagawa ang training, sa pakikipagtulungan ng ICT Council sa Quovadis Training School ni Mr. Andrew Sumulong at SPI.
Naging paksa sa pagsasanay ang mga Do’s and Don’ts in Call Centers at Basic Training in Call Centers. Inaasahang magkakaroon ng pangalawang batch ng training na gaganapin sa una o pangalawang linggo ng Disyembre 2017. Vince Altar – Batangas Capitol PIO