CALABARZON Provincial Economic Accounts, Ipinakita ng NEDA sa Dissemination Forum sa Kapitolyo

Pagdiriwang ng 40th NDPR Week sa Bayan ng Bauan, Tagumpay
November 7, 2018
Mga Batangueño Wagi sa Football sa China
November 12, 2018

November 8, 2018

Isinagawa ang Provincial Dissemination Forum para sa Lalawigan ng Batangas kaugnay ng CALABARZON Provincial Economic Accounts (PEA), sa pagtutulungan ng National Economic Development Authority (NEDA) Region IV-A at Provincial Planning and Development Office, sa PPDO Conference Room noong ika-7 ng Nobyembre 2018.

Dinaluhan ang presentasyon ng iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kabilang sina PPDO Department Head Benjie Bausas, Provincial Agriculturist Engr. Pablito Balantac at Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Officer Celia Atienza, kasama ang mga kinatawan mula sa Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni 5th District Board Member Bart Blanco.

Kinomisyon ng NEDA Region IV-A ang isang pagsasaliksik patungkol sa Provincial Economic Accounts ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon upang matantya ang pang-ekonomiyang pagganap ng bawat isa.

Ang presentasyon, CALABARZON Provincial Growth and Economic Structures 2011-2016: Focus on Batangas, ay ibinahagi ng mga kawani ng NEDA IV-A, sa pangunguna ni Michael Lavadia, at ng mga resource persons mula sa Orient Integrated Development Consultants, Inc., isang Philippine-based consulting firm na kilala sa mga larangan ng rural development, environment and natural resource management, governance, and institutional development, kabilang sina Dr. Arlene Inocencio at Dr. Caesar Cororaton.

Ang mga inilabas na datos, na nakatuon sa agrikultura, industriya at services, ay inaasahang makakatulong sa komprehensibong pagpaplano ng mga local government units upang mas mapalakas ang mga larangan kung saan maganda na ang mga programa, at mapabuti ang mga programa sa mga sector na mataas ang potensyal subalit hindi napagtutuunan ng pansin.

Ilan sa mga naipakita ay ang 2015 economic performance ng Batangas Province kung saan 62% ay mula sa industry sector, 32% sa services sector at 6% lamang sa agrikultura. Sa industry sector, manufacturing ang nangunguna sa lalawigan kung saan pinakamataas ang pagawa ng electronics.

Upang mapagtibay ang nasabing pag-aaral, hinihiling din ng NEDA na magpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan upang, sa pamamagitan ng PPDO, ay maipagpatuloy ang pagsasaliksik para makakuha ng mga bago at tumpak na mga datos mula sa mga lungsod at munisipalidad. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.