STRENGTHENING THE REGIONAL PAGSO. Tumayong panauhing pandangal si Gov. DoDo Mandanas sa pormal na pagbubukas ng 13th Regional Conference ng Philippine Association of General Services Officers (PAGSO) Region IV-A noong March 13-15, 2019 sa Pontefino Hotel, Pastor Village, Batangas City. Ang conference ay nilahukan ng may kabuuang 196 General Services Officers (GSO) mula sa CALABARZON. Photo: Eric Arellano - Batangas Capitol PIO
March 15, 2019
STRENGTHENING THE REGIONAL PAGSO. Tumayong panauhing pandangal si Gov. DoDo Mandanas sa pormal na pagbubukas ng 13th Regional Conference ng Philippine Association of General Services Officers (PAGSO) Region IV-A noong March 13-15, 2019 sa Pontefino Hotel, Pastor Village, Batangas City. Ang conference ay nilahukan ng may kabuuang 196 General Services Officers (GSO) mula sa CALABARZON. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
Sa ika-13 edisyon ng Regional Conference ng Philippine Association of General Services Officers (PAGSO), na idinaos noong March 13-15, 2019 sa Pontefino Hotel, Pastor Village, Batangas City, nagsilbi bilang host sa pagtitipon ang PAGSO-Batangas Chapter.
Ang 3-day conference, na ginabayan ng temang “Innovating Public Governance: Pagkakaisa at Pagsasamahan para sa Matatag na Paglilingkod”, ay dinaluhan ng 196 General Services Officers (GSO) mula sa CALABARZON, sa pangunguna ni Gng. Paulita M. Maneja, Batangas Provincial General Services Office Department Head at Presidente ng PAGSO-Batangas.
Naging guest of honor si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa assembly, kung saan naging mga aktibong kalahok sina PAGSO Region IV-A CALABARZON President, Engr. Ma. Lourdes P. San Miguel, Municipal GSO ng Sta. Cruz, Laguna; Vice President, Engr. Roberto Penaranda, Municipal GSO ng Tanay, Rizal; Secretary, Paulita M. Maneja, Provincial GSO, Batangas Province; Treasurer, Primitivo Satumba Jr., Municipa GSO ng Infanta, Quezon; at, Auditor, Alejandro Herrera Jr., Municipal GSO ng Imus, Cavite. Marinela Jade Maneja – Batangas Capitol PIO