June 21, 2019
Pinamunuan ni Governor Mandanas ang Second Quarter Full CALABARZON Regional Development Council (RDC) Meeting noong ika-20 ng Hunyo 2019 sa Lungsod ng Calamba, Laguna, kung saan pinagtalakayan ng konseho ang Regional Development Plan 2017-2022, at ang pagbalik-tanaw sa 2018 Development Report ng Rehiyon.
Kabilang din sa agenda ng nasabing pagpupulong ang Seal of Good Local Governance Criteria para sa Local Development Cooperative Plan, Utillization ng Coin Collection na nakolekta sa mga RDC council Members at mga ilang pagbabago sa guidelines para sa gaganaping Regional Development Awards.
Matapos ang talakayan, iginawad kay Governor Mandanas ang Lingkod RDC Award para sa natatangi nitong pamumuno bilang Chairperson ng CALABARZON RDC at Regional Development Committee for Luzon Area, mula Marso 2017 hanggang Hunyo 2019.
Ang parangal ay iginawad ng mga opisyales ng CALABARZON RDC at nilagdaan ng National Economic Development Authority Board Regional Development Committee, na pinamumunuan ni Socio Economic Planning Secretary Ernesto M. Pernia. /Edwin V. Zabarte, Photos: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO