Bulkang Taal Binaba na sa Alert Level 2, Batangas Provincial Incident Management Team Lagi pa ring Handa

Notice of Award – Supply and Installation of Two (2) lot of 500 KVA Silent Type Diesel Generator Set for use in the activation of the Provincial Evacuation Center and of the PDRRMC Operation Center
July 27, 2021
Kapitolyo Nakatanggap ng Ultra-Low Frequency Freezers para sa COVID-19 Vaccines
July 31, 2021

July 28, 2021

Pormal nang na-demobilized ang Provincial Incident Management Team (PIMT) for Taal Volcano Eruption sa pamamagitan ng isang online close-out meeting na isinagawa noong ika-26 ng Hulyo 2021. Ito ay matapos maibaba ng PHIVOLCS ang alert status ng bulkan mula Alert 3 to Alert 2 at masiguro na may kaayusan na ang mga apektadong lugar sa Batangas.

Matatandaan na kaagad pinagana ang PIMT, batay sa direktiba ng Gov. DoDo Mandanas, para sa mas epektibo at 24 oras na pamamahala ng insidente at pagtugon sa nakaambang kalamidad.

Ang meeting ay dinaluhan ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Lito Castro, na nagpaabot ng pasasalamat sa pangalan ni Gov.Mandanas.

Malugod namang ipinahayag ng mga PIMT Incident Commanders, na kinabibilangan nina Philippine National Police (PNP) Batangas Provincial Director, PCol. Glicerio Cansilao; Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas Provincial Director, CInsp. Jeff Atienza; Philippine Coast Guard (PCG) Batangas Capt Geronimo Tuvilla; Philippine Air Force (PAF) 730th Combat Group Commander, LtCol. Arvin DC Nunez; Provincial Health Office (PHO) Assistant Department Head, Dr. Rosalie Masangkay; at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Representative Imelda Salcedo, ang pagkatuwa sa maayos na pagpapatupad sa Incident Command System (ICS) na nakatulong sa mas maayos na koordinasyon, resource management at response operations.

Ang PIMT ay kinabilangan ng pinagbuklod na mga departmento ng provincial government at iba pang ahensya ng pamahalaan, kagaya PNP, PCG, PAF, BFP, PHO, PSWDO at PDRRMO, bilang Unified Area Commanders, at Philippine Red Cross, Provincial Information Office, Department of Public Works and Highways, Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office, Provincial Agriculture Office at Provincial Engineering Office bilang Command and General Staff.

Agaran ang isinagawang pagbabantay at pagtulong ng mga search, rescue and retrieval teams sa mga baybayin at kalupaan; at, security, transport at clearing teams sa mga evacuations centers, disaster control points at mga apektadong lugar.

Nagpaabot din kaagad ng mga tulong medikal, tulad ng pagbabakuna, medical consultations, pamamahagi ng gamot at vitamins, patuloy na antigen testing, water testing, misting, disinfection, health education, paghahatid ng pagkain at family kits, at paghahanda at pagbibigay ng mga kailangang logistics para sa PIMT operations.

Naging karagdagang gawain ng PIMT ang pagresponde sa mga pangangailangang ng mga apektado ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Fabian.

Bagama’t nananalanging makaiwas sa mga sakunang posibleng tumama sa lalawigan, nagkakaisang nagpahayag ng kahandaan at muling pagsasama-sama ang lahat ng ahensya sa PIMT kung sakaling kailanganin muli ang kanilang partisipasyon sa pagtugon.

Ayon nga kay PDRRMO Assistant Department Head at itinalagang PIMT Spokesperson Fe Fernandez, ang mga posibleng sakuna ay tinututukan ng pamahalaan, at sa paggabay ng Panginoon at sama-samang pagkilos, panalangin ng bawat Batangueño na maging ligtas at malampasan ang lahat ng dumadaang pagsubok.

Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.