Bokal Mon Bausas, Pumanaw Na

Mga Batangueñong Magsasaka Ipapadala sa Chuncheon City, South Korea
February 27, 2018
Pinagsama-samang Pwersa ng mga Batangas Province Councils, Nagsagawa ng Pagpupulong
February 28, 2018

Public Servant ng Unang Distrito ng Batangas. Si Bokal Mon Bausas (2nd mula kaliwa), na pumanaw noong ika-26 ng Pebrero 2018, sa launching ng Alternative Learning System sa Taal Central School sa bayan ng Taal noong Oktubre 2017. Jhun Magnaye / Photo: Sangguniang Bayan ng Taal FB Account – Batangas Capitol PIO

February 27, 2018

Public Servant ng Unang Distrito ng Batangas. Si Bokal Mon Bausas (2nd mula kaliwa), na pumanaw noong ika-26 ng Pebrero 2018, sa launching ng Alternative Learning System sa Taal Central School sa bayan ng Taal noong Oktubre 2017. Jhun Magnaye / Photo: Sangguniang Bayan ng Taal FB Account – Batangas Capitol PIO

Nagluluksa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagpanaw noong ika-26 ng Pebrero 2018 ni Board Member Ramon I. Bausas, isa sa mga kinatawan ng Unang Distrito ng Lalawigan ng Batangas sa Sangguniang Panlalawigan.

Naka half mast ang bandila ng Pilipinas sa Kapitolyo sa Lungsod ng Batangas, bilang tanda ng pagluluksa, paggalang at pagsaludo sa sumakabilang-buhay na lokal na lehislador.

Isang abugado, si Bausas ang Chairperson ng Committee on Laws, Rules and Ordinances at Vice Chairperson ng Committee on Appropriation sa Sangguniang Panlalawigan.

Unang naupong board member si Bokal Bausas noong Agosto 1, 2011 nang pumalit siya sa kaniyang ama na si Board Member Loring Bausas matapos itong bawian ng buhay noong December 25, 2010, anim na buwan mula nang manalo sa May 2010 local election.  Bago sumabak sa pulitika, naglingkod si Bokal Mon bilang Provincial Agrarian Reform Adjudicator na humahawak sa mga kaso na may kinalaman sa agrarian reform sa Lalawigan ng Quezon.

Pangatlo sa kanilang pamilya si Bokal Mon na naging Board Member ng 1st District, na binubuo ng mga bayan ng Nasugbu, Balayan, Calaca, Calatagan, Lian, Taal at Tuy, pagkatapos ni Bokal Loring at Bokal Benjie Bausas, ang kasalukuyang Provincial Planning and Development Coordinator ng Batangas Province.  Jhun Magnaye – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.