BM Malinay, muling nahalal na PCL – Batangas President

Teenage Pregnancy Capability Building para sa mga Out-Of-School Youth, isinagawa sa Kapitolyo
August 5, 2019
Batangas Province at Madang, Papua New Guinea lumagda sa kasunduan ng pagkakaibigan
August 7, 2019

August 7, 2019

“Kahit pilay handang umalalay,” pahayag ni Philippine Councilor’s League (PCL) Batangas Federation President at Sangguniang Panlalawigan Board Member Leo F. Malinay. “Kahit may tungkod, handang maglikod.”

Ito ang binigyang-diin ni BM Malinay sa kanyang campaign speech noong ika-2 ng Agosto 2019 sa pagtitipon ng mga miyembro ng Philippine Councilors’ League (PCL) – Batangas Federation sa Batangas City Convention Center, Lungsod ng Batangas, kung saan isinagawa rin ang halalan ng mga bagong PCL officers.

Muling nagwagi bilang pangulo ng samahan ng mga konsehal ng mga lungsod at bayan sa Lalawigan ng Batangas si Malinay, na konsehal mula sa Bayan ng Lian, Batangas, matapos magkamit ng 188 boto mula sa 354 na mga lokal na mambabatas na dumalo sa pagtitipon.

Umabot ng pitong oras ang naging botohan at bilangan bago pinal na naiproklama ni Department of the Interior and Local Government – Batangas Provincial Director Abigail N. Andres, na tumayong chairperson ng halalan, ang mga nagwaging kandidato.

Ang bagong pamunuan ng PCL – Batangas, na may tatlong taong termino, ay sina: Bokal Malinay, President; Bauan Councilor Ronald E. Cruzat, Vice President; Lipa City Councilor Joel D. Pua, Secretary General; Tanauan City Councilor Herman G. Trinidad, Treasurer; Calatagan Councilor Jose Coz Jr., Auditor; San Pascual Councilor Ramel V. Fernandez, Public Relations Officer; Alitagtag Councilor Ruben Ceferino I. Ilagan, Business Manager; at Federation Directors Batangas City Councilor Oliver Z. Macatangay, Rosario Councilor Christopher A. Conti, Taal Councilor June C. Manimtim, Balayan Councilor John Albert I. Mapalad, Malvar Councilor Willie M. Tagle, Rosario Councilor Marilou Villapando, Agoncillo Councilor Rosemelyn F. Roque at Cuenca Councilor Henry A. Larcia.

Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon sina PCL National Chairperson and Davao City Councilor Danilo Dayanghirang; Batangas City Chief of Police, PLt. Col. Dancho Seledio; Mr. Nelson M. Bayani, kinatawan ni Provincial Secretary Benjamin DJ Nepales; at DILG Cluster Heads Maria B. Marquez and Nerissa G. Contreras.

Samantala, pormal na nanumpa sa katungkulan ang mga nabanggit na mga opisyal ng PCL noong ika-5 ng Agosto, sa harap ni Gov. DoDo Mandanas sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Marinela Jade Maneja, Photo: Junjun de Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.