Blood Olympics sa Calatagan, bahagi ng National Blood Donors’ Month

Invitation to Bid – Goods (July 30, 2024)
July 4, 2024
Resolution No. 965, Provincial Ordinance No. 013 Year 2024 – PROVIDING FOR THE PASSAGE OF AN ORDINANCE APPROVING THE AMENDMENT TO THE TERM LOAN AGREEMENT WITH THE DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES
July 8, 2024

July 5, 2024

Masiglang nakiiisa ang mga blood donors ng Bayan ng Calatagan sa isinagawang Blood Olympics 2024, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Blood Donors’ Month ngayong buwan ng Hulyo.

Mahigit 300 na mga blood Olympians ang tumungo sa Calatagan Market Covered Court sa nasabing bayan upang sumailalim sa medical screening para makapagbigay ng kanilang alay na dugo.

Para sa ika-20 edisyon ng pagdiriwang ng National Blood Donors’ Month ngayong 2024, na may temang “Dalawang Dekadang Bayanihan na sa Dugo ni Juan at Juana: Salamat Blood Donors,” patuloy ang layunin nito na pag-ibayuhin pa ang bolunterismo sa pag-aalay ng dugo sa buong bansa.

Sa pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa okasyon, sa ilalim ng health program ni Governor DoDo Mandanas, naging bahagi ng medical and screening personnel ang mga kawani ng Provincial Health Office upang masiguro ang maayos na proseso sa pagbibigay ng dugo at nasa tamang kalusugan at medical criteria ang mga nagnanais maging blood donors.

Sa panayam kay Ms. Arlene Brucal, Provincial Blood Program Coordinator, pinaiigting ng Batangas Provincial Blood Council ang mga blood-letting activities, tulad ng Blood Olympics, sa buong laawigan upang mapanatili at mapataas pa ang koleksyon ng dugo dahil sa mataas na demand nito sa mga medical needs and emergencies.

Ayon pa sa kanya, 3 sa mga pinakapinaglalaanang medical procedures ng dugo ay para sa dialysis, cancer treatments, partikular sa Leukemia, at panganganak, bukod pa sa ibang mga sakuna o aksidente.

Ang mga nakokolektang dugo ay inilalaan sa Batangas Medical Center at Philippine Red Cross Batangas, bilang mga prime blood collecting agencies and facilities.

Katawang ng Batangas Provincial Blood Council para sa life-saving activity na ito ang ABS-CBN Sagip Kapamilya Foundation, Batangas Medical Center, Regional Voluntary Blood Services Program ng DOH IV-A , Philippine Red Cross, at Pamahalaang Bayan ng Calatagan, sa pangunguna nina Mayor Oliver Palacios at Municipal Health Officer, Dr. Robert John Turno.

Ang Blood Olympics ay ipagpapatuloy sa buong buwan ng Hulyo at tutungo sa mga bayan ng Mataas na Kahoy, Bauan , San Luis, San Juan, Alitagtag, Talisay, Padre Garcia, Agoncillo, Rosario, Ibaan, Balayan, Lipa City at Batangas City. Edwin V. Zabarte / Photos by Macven Ocampo – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.