Patuloy ang isinasagawang Blood Letting Activities ng Batangas Provincial Blood Council, na sa Bayan ng San Luis ay nakakolekta ng 179 blood units noong ika-21 Nobyembre 2021.
Katuwang sa aktibidad, na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Health Office, ang Pamahalaang Bayan ng San Luis, Batangas Medical Center at Philippine Red Cross Batangas Chapter.
Naging kabalikat din sa gawain ang Department of Health (DOH) Center for Health Development – Calabarzon, DOH Batangas Provincial Office at ABS-CBN News and Current Affairs.
Aktibo ring nakilahok ang iba’t ibang organisasyon, at mga barangay volunteer workers, kabilang ang mga barangay health workers at mga opisyal ng barangay.
Ipinatupad naman sa venue ang mga kinakailangang health protocols, at ibinahagi sa mga nagbigay ng dugo ang mga benepisyo nito sa kalusugan.
Nakatakda namang magsagawa ng blood donation activities sa mga Bayan ng Alitagtag at Mabini, at Lungsod ng Lipa bago matapos ang taong 2021 upang makalikom pa ng dugo para sa mga medical emergencies.
Millicent Ramos – Batangas Capitol PIO