Best in Zumba, Taekwondo at Boxing sa Kapitolyo, Pinarangalan

Natatanging mga Empleyado, Binigyang Pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan
September 25, 2017
Notice of Vacant Position
September 26, 2017

September 25, 2017

Para sa selebrasyon ng 117th anniversary ng Philippine Civil Service, na may temang “Tugon sa Hamon ng Pagbabago: Malasakit ng Lingkod Bayani ay nagkaroon ng programa ang Provincial Human Resource and Management Office, sa pakikipagtulungan ng Provincial Assistance for Community Development Office, na Zumba, Taekwondo at Boxing Lessons para sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Kaugnay nito, humirang ang kapitolyo, sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ng mga natatanging empleyadong nakilahok sa mga nasabing proyekto noong ika-25 ng Setyembre 2017 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Napili para sa best outfit sina Atty. Albino Denis C. Macatangay ng Provincial Legal Office at Ms. Enneleen L. Tenorio ng Provincial Assistance for Community Development Office para sa Zumba;  Atty. Sarah Lou E. Sulit ng Provincial Legal Office para sa Boxing; at Mr. Elmar P. Blanco ng Provincial Assessor’s Office para sa Taekwondo. Lahat sila ay tumanggap ng Certificates of Recognition at premyong PhP 2,500 bawat isa.

Samantala, pinarangalan naman ang tanggapan ng Office of the Provincial Governor bilang pinakamaraming attendees, at si Ms. Soledad B. Mengaracal ng Provincial General Services Office, na may kumpletong attendance, sa zumba.  Sila ay nakatanggap naman ng PhP 5,000.00 cash prize at Certificates of Recognition.  JJ Pascua/Photo by: Eric Arellano – PIO Capitol Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.