Bb. Padre Garcia, Nagwaging Mutya ng Batangas 2017

Talakayan sa Transportasyon, Trapiko, Trabaho, at Pabahay, Tampok sa RDC Meet
December 11, 2017
Kampanya Laban sa Karahasan sa Kababaihan, Isinulong sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
December 13, 2017

Mutya ng Batangas 2017. Ipinagmalaki ng kinoronahang Mutya ng Batangas 2017 na si Maxine Nicole Rangel ng bayan ng Padre Garcia ang kanyang kasuotan sa Batangas Costume portion ng nasabing pageant na ginanap noong December 9, 2017 sa LPU Batangas, Batangas City. (Inset) Ang Mutya ng Batangas 2017 ay pinangasiwaan ng Infinity Events, katuwang si Gov. Dodo Mandanas at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Jhay-jhay Pascua - Batangas Capitol PIO

December 13, 2017

Mutya ng Batangas 2017. Ipinagmalaki ng kinoronahang Mutya ng Batangas 2017 na si Maxine Nicole Rangel ng bayan ng Padre Garcia ang kanyang kasuotan sa Batangas Costume portion ng nasabing pageant na ginanap noong December 9, 2017 sa LPU Batangas, Batangas City. (Inset) Ang Mutya ng Batangas 2017 ay pinangasiwaan ng Infinity Events, katuwang si Gov. Dodo Mandanas at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Jhay-jhay Pascua – Batangas Capitol PIO

Muling pumailanglang ang Mutya ng Batangas 2017 noong December 9, 2017, kung saan ipinamalas ng 16 kandidatang Batangueña ang kanilang ganda, talento at talino sa beauty pageant na ginawa sa Lyceum of the Philippines University Batangas.

Kinoronahang Mutya ng Batangas 2017 si Maxine Nicole Rangel ng bayan ng Padre Garcia.  Itinanghal naman sina Grace Ann Landicho ng San Nicolas, bilang Mutya ng Turismo o 1st Runner Up; Hanna Theresa Cruz ng Calaca, bilang Mutya ng Kalikasan o 2nd Runner up; Eliza Fae Galvez ng Balayan bilang 3rd Runner up; at Rendzyll Erica Catapang ng San Pascual bilang 4th Runner up.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Batangas Gov. Dodo Mandanas na tunay na dapat ipagmalaki ng lalawigan ang mga Mutya na ipinapakita ang ganda at galing ng mga Batangueña.  Aniya, kabilang ang mga kababaihang ito sa mga yaman at dangal ng lalawigan.  Idinagdag pa niyang imumungkahi niyang gawin na muling opisyal na bahagi ng programa ng Batangas Province Foundation Day ang nasabing paligsahan.

Nakisaya sa tagisan ng gandang Batangueña sina Chief of Staff Abel Bejasa, 5th District Board Member Bart Blanco at mga lokal na opisyal ng mga bayan na may lumahok na kandidata.  Ang Mutya ng Batangas 2017 ay pinangasiwaan ng Infinity Events, sa pangunguna ni Ms. Emelie Katigbak, katuwang ang pamahalaang panlalawigan.  Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.