Batangueñong Iskultor, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

PSWDO, St. Bridget, Nagbahagi ng Livelihood Training sa mga Batangueña
June 29, 2022
Gov. DoDo, Muling Nanumpa sa Ika-anim na Pagkakataon Bilang Gobernador ng Batangas
July 5, 2022

June 29, 2022

Bilang pagkilala sa mahahalagang kontribusyon sa pagtataguyod ng sining at mayamang kultura, tradisyon at kasaysayan ng Lalawigan ng Batangas, ginawaran ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangasng Certificate of Recognition si Teofilo M. Catanyag, isang iskultor at manunulat mula sa Bayan ng Alitagtag, noong ika-27 ng Hunyo 2022 sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office

Personal na iniabot ni Governor DoDo Mandanas ang pagkilala kay Catanyag na responsible sa mga kanyang mga likhang life-sized sculptures, na tumatalima sa Limang Diwang Batangueño na Katapangan, Kagitingan, Katalinuhan, Kagandahan at Kasipagan, na naipakita sa Museo ng Batangas noong Oktubre 2020 hanggang Mayo 2022. Ang ginawa niyang relief mural, na may titulong “Maniago Revolt, 1660,” ay naka-install naman sa National Historical Institute sa Ermita, Manila. Naging bahagi na rin siya ng mga art exhibitions sa mga art galleries sa Metro Manila.

Ang kanyang mga nailathalang aklat, ang Alayang Bantayog at Aklat ng Magkakabayo: Sining at Kultura ng Alitagtag, ay nagbabahagi ng kasaysayan at kahalagahan ng Sta. Cruz ng Alitagtag at ng kanyang pagpapahalaga sa yaman ng karakter ng pagkatao ng mga Batangueño at mga pagsisikap na maituguyod ang local folk arts ng kanilang bayan.

Janssen Olimba – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
71

Comments are closed.