Batangueño production ng “Urbana at Felisa” Musical Play, sinuportahan ng Batangas Culture and Arts Council

Higit 15K nabakunahan kontra Tigdas sa Batangas
February 18, 2019
Total Taxable Assessed Value ng Lalawigan ng Batangas, mas tumaas pa
February 18, 2019

February 18, 2019

Nagpakita ng pagsuporta ang Batangas Culture and Arts Council (BCAC), na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng sining sa Lalawigan ng Batangas, at ang Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) sa Batangueño musical production na “Urbana at Felisa” na isinulat ni Padre Modesto de Castro noong ika-19 na siglo.

Ang nasabing produksyon ay inihandog ng Repertory Brigid of Saint Bridget College (SBC), isang premyadong theatre company sa Lungsod ng Batangas, na nagtampok sa talento ng mga estudyante at alumni ng SBC.

Bilang paggunita sa selebrasyon ng National Arts Month, na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Pebrero, minarapat ng BCAC at PTCAO na suportahan ang produksyon, hindi lamang para maalalayan ang theater sector sa lalawigan, kung hindi pati na rin upang mahikayat ang mga kabataan na mas bigyan ng pansin at pagpapahalaga ang sining ng teatro.

Kaugnay dito, matapos ang matagumpay na pagtatanghal ng “Urbana at Felisa” noong ika-6 hanggang ika-8 ng Pebrero 2019 na idinaos sa SBC Manuela Q. Pastor Auditorium, napagkasunduang magkaroon ng isang extended show na gaganapin sa ika-27 ng Pebrero, 9:00 ng umaga, para sa mga nagnanais pang masaksihan ang produksyon.

Para sa mga interesado, maaaring bumili ng tickets para sa nasabing palabas sa Saint Bridget College na nagkakahalagang PhP 250. ? Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO, Photo: Ma. Edlyn Uy FB Page

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.