Batangueño Math Wizards, Namayagpag sa Ibang Bansa

Batangas Province Scholarship Program, Tuloy-tuloy ang Pamamahagi sa mga Estudyante
October 2, 2018
Tulong Pinansyal Ipinabot sa mga Pamilyang Apektado ng Relokasyon sa San Juan
October 2, 2018

October 2, 1018

Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang mga Batangueñong mag-aaral na namayagpag sa larangan ng Matematika sa loob at labas ng bansa noong ika-1 ng Oktubre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Mga mag-aaral ng De La Salle Lipa ang mga kabataang Batangueño na nagwagi sa mga bansang South Korea, Bulgaria at Singapore kamailan lang at nagbigay ng dangal at karalangan sa Lalawigan ng Batangas maging sa Pilipinas.

Kabilang sa mga nagwagi sa 2018 World Mathematics Invitational (WMI) na ginanap sa South Korea at nagkamit ng gintong medalya si Harry Gerard Perez. Nag-uwi naman ng pilak na medalya sina Gian Miguel Barte, Francis Solatorio, Aiden Jomiel Robles, Maria Alessandra Silvederio, Immanuel Gerard Quinto, Gilliene

Nicole Urrea at Aecus Mendoza; samantalang nakakuha ng tansong medalya sina John Zedrick Macahia, Chzean Klyde Espiritu, Brian David Metrillo, John Paul Titular, Alonzo Alvarez at Alex Anthony Andal.

Nagwagi naman sa 2018 Singapore International Mathematics Olympiad (SIMOC) sina Aecus Mendoza, na silver medallist, habang sina Gabriel Garcia, Miguel Sandoval at Zandre Bustria ay nakakuha ng tansong medalya.

Sa bansang Bulgaria ginanap naman ang 2018 Mathematics Without Borders (WMB), kung saan naiuwi ni Harry Gerald Perez ang Golden Cup Award, at nakakuha ng pilak na medalya si Angelo Vince Perez. ✎: JHAY ¬JHAY B. PASCUA, Photo: Luigi Miguel Comia – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.