Batangueño Farmers tinuruan ng Inbred at Hybrid Rice Model Farming

Buntis Congress, isinagawa sa Tingloy
June 10, 2019
Invitation to Bid
June 10, 2019

June 10, 2019

Sa adhikaing maiangat ang pamumuhay ng bawat magsasakang Batangueño, ang Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamumuno ni Engr. Pablito Balantac ay patuloy na nagsusumikap upang higit na mapalawak ang mga proyektong nakatuon sa pagpapataas ng kalidad ng ani sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Kaugnay nito, kasalukuyang isinasagawa ng nasabing tanggapan, katuwang ang Department of Agriculture at Agricultural Project Coordinating Office (APCO) IV-A, ang technical briefing tungkol sa implementasyon ng Model Farms for Hybrid and Inbred Rice para sa mga participating farmers ng probinsya.

Ang mga magsasakang sumasailalim sa orientation ay nagmula sa mga bayan ng Calatagan, Nasugbu, Lian, Balayan, Lobo, Ibaan, Rosario, Padre Garcia, at San Juan.

Ang nasabing programa ay isang extension intervention companion na may mga layuning makamtan ang hindi lamang panlalawigan kung hindi pambansang kasapatan sa bigas, maipakita ang mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka, maituro ang tamang agricultural practices sa pagtatanim ng mga binhing palay at maitaas ang kalidad ng produksyon ng palay, at higit sa lahat ang kita ng mga magsasaka.

Tampok sa technical briefing ang mga paksang tumatalakay sa paggamit ng Rice Crop Manager (RCM), Palay Check, at Package of Technology para sa Hybrid Rice.

Target ng Model Farm na magkaroon ng ani para sa Hybrid na hindi bababa sa 6 metriko tonelada ng palay na mayroon lamang cost of production na Php9.00 kada kilo para sa wet season at 7.5 metriko tonelada na nagkakahalaga ng Php7.00 kada kilo para naman sa Dry Season. Sa inbred, 5.5 metriko tonelada na may katumbas na Php9.00 kada kilo sa wet season, habang 6 metriko tonelada naman para sa Php7.00 kada kilo na cost of production sa Dry Season.

Samantala, ang proyekto na Inbred at Hybrid Rice Model Farming ay nagsimula noong wet season ng nakaraang taong 2018 at magpapatuloy hanggang dry season ng taong 2023 o katumbas ng rice plantings ng March 16, 2018 hanggang March 15, 2023. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO / Photo: Office of the Provincial Agriculturist

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.